Marian Rivera magbabalik showbiz sa 2024; Ibinunyag ang sikreto sa matibay na relasyon nila ni Dingdong Dantes Bandera

Marian Rivera magbabalik showbiz sa 2024; Ibinunyag ang sikreto sa matibay na relasyon nila ni Dingdong Dantes

Pauline del Rosario |January 07,2023
share this

Marian Rivera magbabalik showbiz sa 2024; Ibinunyag ang sikreto sa matibay na relasyon nila ni Dingdong Dantes

Pauline del Rosario - January 07, 2023 - 10:57 AM

MUKHANG isang taon pa ang aantayin ng fans bago lubusan nang masilayan sa telebisyon ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sa latest podcast na “Updated with Nelson Canlas” ng entertainment correspondent na si Nelson Canlas, ibinunyag ni Marian na may niluluto nang proyekto para sa kanya sa taong 2024.

Sinabi pa ni Marian na looking forward siya na matuloy ang kanyang upcoming project.

“Definitely, sana makita na nila ako. Sana matuloy ‘tong project na ‘to and then, may mga gagawin ako sa regional kaya abangan nila ako,” sey ng aktres kay Nelson.

Hindi na idinetalye ng Kapuso Primetime Queen ang kaabang-abang na show dahil gusto raw muna niya itong siguraduhin.

Tiniyak pa ng aktres na kahit magiging busy siya sa showbiz ay magiging top priority pa rin niya ang kanyang pamilya.

“Time management talaga is very important kaya sisiguraduhin kong maayos ‘yan,” sabi niya.

Matatandaang taong 2018 pa nang huling gumanap sa isang teleserye si Marian bago niya isilang ang ikalawang anak na si Sixto.

Bukod sa inaabangang proyekto, isa pang rebelasyon ang ibinahagi ng aktres sa podcast ni Nelson.

‘Yan naman ay ang kanyang sikreto niya sa pagkakaroon ng matibay na relasyon, kagaya ng sa kanila ng mister na si Dingdong Dantes.

Eight years nang kasal ang mag-asawa at habang tumatagal ay talaga namang getting stronger pa sila.

Ayon kay Marian, nagbibigay sila ng oras para sa isa’t-isa na kung saan ay silang dalawa lang ang nakakapag-bonding.

Sey ng aktres, “Very open kami sa lahat ng bagay at sinisigurado namin na kahit anong busy namin sa isa’t-isa, palagi kaming may time na kaming dalawa lang.”

Dagdag pa niya, “Kung gusto talaga, may paraan. So talagang pinag-usapan namin ni Dong no matter what happens gaano man kami ka-busy.”

Matatandaang unang nagkakilala sina Marian at Dingdong nang magtambal sila sa Philippine adaptation ng “Marimar” noong 2007.

Taong 2014 naman sila nang ikinasal at nabiyayaan ng dalawang anak na sina Zia at Sixto.

Related chika:

Belle Mariano ‘huli’ ng mga netizens, kasama ng pamilya ni Donny noong New Year

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending