Belle Mariano 'huli' ng mga netizens, kasama ng pamilya ni Donny noong New Year | Bandera

Belle Mariano ‘huli’ ng mga netizens, kasama ng pamilya ni Donny noong New Year

Therese Arceo |January 04,2023
facebook
share this

Belle Mariano ‘huli’ ng mga netizens, kasama ng pamilya ni Donny noong New Year

Therese Arceo - January 04, 2023 - 09:59 PM

Belle Mariano 'huli' ng mga netizens, kasama ng pamilya ni Donny noong New Year
LABIS ang kilig ng mga taga-suporta ng isa sa mga nangungunang love team sa henerasyong ngayon na DonBelle matapos makitang magkasama sina Donny Pangilinan at Belle Mariano noong New Year.

Bagamat wala silang naging social media post patungkol sa kanilang gathering sa social media ay ibinahagi naman ng pinsan ni Donny na si Gab Valenciano ang kanilang family picture kung saan makikitang kasama ang dalaga.

Ang naturang post nga ni Gab ang patunay ng tila mas lumalalim pang relasyon nina Donny at Belle lalo na’t kasa-kasama na ito sa mga family ganaps ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabriel Pangilinan Valenciano (@gabvalenciano)

Caption ni Gab, “Starting the year right with my favorite people.

May mga netizens ang talagang kinikilig dahil tila kumpirmasyon na ito ng relasyon ng dalawa lalo na’t puro mga kaanak ni Donny ang nasa larawan maliban kay Myke Solomon na soon-to-be part na ng kanilang pamilya dahil fiancé ito ni Gab Pangilinan.

“Ante si bellleeee. Happy new year na talagaaaa mga bulaaa,” saad ng isang fan.

Comment pa ng isa, “Hala pinakilala na sa buong brgy Pangilinan. Finish na pala”.

“Aantayin ko na lang talagang umamin sila kahit obvious naman naaaa,” hirit naman ng isa pang fan.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na kasama ang dalaga sa family outing nina Donny.

Matatandaang noong November last year, inamin ni Donny na kasama nila noon si Belle sa isang beach trip.

Maraming pagkakataon na rin na napapansin na ng mga netizens ang mas malalim na samahan ng dalawa offcam ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin ang dalawa kung ano ba ang estado ng kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang usisain nga ni Karen Davila sa kanyang vlog noon si Belle kung ano ba talaga ang meron sa kanila, ang tanging sagot lang nito ay “I enjoy his company now. I saw his interview, and he’s right, we’re both in a happy place.”

Related Chika:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending