Kim Molina rumesbak sa epal na basher na nag-post ng 'doggy' comment sa litrato nila ni Jerald Napoles: 'Pakabastos mo!' | Bandera

Kim Molina rumesbak sa epal na basher na nag-post ng ‘doggy’ comment sa litrato nila ni Jerald Napoles: ‘Pakabastos mo!’

Ervin Santiago |April 17,2023
facebook
share this

Kim Molina rumesbak sa epal na basher na nag-post ng ‘doggy’ comment sa litrato nila ni Jerald Napoles: ‘Pakabastos mo!’

Ervin Santiago - April 17, 2023 - 09:50 AM

Kim Molina rumesbak sa epal na basher na nag-post ng 'doggy' comment sa litrato nila ni Jerald Napoles: 'Pakabastos mo!'

Kim Molina at Jerald Napoles

PINALAGAN ng actress-singer na si Kim Molina ang isang malisyosong basher na nagkomento sa latest social media post ng kanyang dyowang si Jerald Napoles.

Hindi pinalampas ni Kim ang pambabastos ng nasabing netizen na pumuna sa mga bikini photo niya na kuha sa pagbabakasyon nila ni Jerald sa Bali, Indonesia.

Sa Instagram at Facebook post ni Jerald, makikita ang kanilang mga pictures habang nagsasayaw at nag-eenjoy sa Bali, kabilang na nga rito ang isang short video clip kung saan naka-two-piece bikini si Kim.

“The best partner someone can have.. I can be goofy and crazy with you forever. You’re the highlight in all the trips we had.


“Ang swerte ko naka hanap ako ng katapat !! We have our own world and we don’t care !! To more travels and craziness with you love. Kim Molina,” ang caption ng aktor at singer sa kanyang socmed post.

Pinusuan at ni-like ng kanilang mga fans at celebrity friends ang kanilang mga paandar at pasabog na ganap sa Indonesia kabilang na sina Dimples Romana, Cristine Reyes, Carlo Aquino, Valeen Montenegro at Macoy Dubs.

Baka Bet Mo: Kim Molina at Jerald Napoles excited sa bagong ‘blessing’, bibida sa bagong comedy serye

Pero may isang epal na basher nga na lantarang pumuna sa tuhod ni Kim na tila may mga sugat at pasa. Hirit ng naturang netizen, “Hilig nyo sa doggy itim ng tuhod hahahaha.”

Binuweltahan at sinupalpal naman agad ni Kim ang malisyosong IG user, “’Di ko na dapat papatulan pero okay patola ako ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jerald Napoles (@iamjnapoles)


“Sa mga nagtatanong tungkol sa tuhod ko, nag-Blai po kami after ng show ko for Zsaza Zaturnah,” simulang paliwanag ni Kim. Aniya, umabot sa 17 live shows ang tinapos nila para sa naturang stage play.

“Bugbog sa fight scenes, talon dito, bagsak doon, malamang ‘di mo alam dahil ‘di ka naman nanood panigurado. Dinala ako ni Je sa Bali para makapagpahinga.

“Tigil-tigilan mo rin akong sagutin na ‘Green-minded ka Ms. Kim, aso ibig kong sabihin.’

“Pakabastos mo eh. Kung sino ka man sa likod ng dummy account na ‘yan, pagdasal kong may partner ka ring nagmamahal sa’yo. Ingat na lang lagi at bakasanamadapaka,” ang kabuuang resbak ng aktres.

Kamakailan, pinatulan din ni Jerald ang isang basher na nang-okray kay Kim na may kaugnayan sa pagganap nito bilang  Zsaza Zaturnah.

Bastos at malisyosong netizen binanatan ni Kim Molina: ‘Ogags ka ba?!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Resbak ni Angel sa malisyosong basher: Hindi ko ikamamatay yang chismis mo…magdasal ka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending