Bastos at malisyosong netizen binanatan ni Kim Molina: 'Ogags ka ba?!' | Bandera

Bastos at malisyosong netizen binanatan ni Kim Molina: ‘Ogags ka ba?!’

Ervin Santiago |November 13,2022
facebook
share this

Bastos at malisyosong netizen binanatan ni Kim Molina: ‘Ogags ka ba?!’

Ervin Santiago - November 13, 2022 - 12:33 PM

Bastos at malisyosong netizen binanatan ni Kim Molina: 'Ogags ka ba?!'

Jerald Napoles at Kim Molina

MARAMING netizens ang kumampi at nagtanggol kay Kim Molina nang “bastusin” siya ng isang malisyosong basher sa social media.

Hindi pinalampas ng komedyana ang komento ng nasabing netizen patungkol sa kanyang katawan, lalo na ang sinabi nito about her boobs.

Ipinost kasi ng basher sa Facebook ang screengrab ng TikTok video ni Kim kasama ang boyfriend niyang si Jerald Napoles kung saan sinasagot ng komedyana ang ilang tanong mula sa kanyang followers.

Isa nga sa mga sinagot ng aktres ay kung nagparetoke siya ng kanyang hips. Sey ni Kim epekto raw ito ng kanyang pagpayat. Hinampas din ni Jerald ang balakang ni Kim sabay dialogue ng, “Wala!”

Ang caption ng Facebook user sa ipinost nitong TikTok video ni Kim, “Naniniwala na po na (wala) sa hips… pero sa dibdib po, parang may pinagawa ka. Sana ma-demo mo rin… (peace sign emoji).”

Nang mabasa ito ni Kim, ni-repost niya ang caption ng netizen at nilagyan ng mahabang mensahe. Talagang binasag niya nang bonggang-bongga ang hater.

“Hi, Sir. Takpan ko pangalan mo dahil ayaw kong maputakte ka ng tao. Sabihin mo mang joke lang ito tulad ng sagot mo sa subcomments, pasintabi sa mga nag-laugh react pero di ako natawa,” simulang banat ni Kim.

“I may be a public figure, but that does not give you the authority to demand and say things like this. I’m not a saint and I myself admit to doing silly gags online, I still DO NOT and WILL NOT tolerate men demanding and disrespecting women maliciously free on social media just because ‘you think you can.’

“What we do in movies, tv, or characters we portray on screen are part of our jobs but still not entirely who we are as a person. At maliban sa pagiging artista, oo influencers rin kami na totoong tao sa vlogs at real talk sa podcast, it still saddens me to see people like you say and do whatever you want with our names kasi feeling mo safe ka sa likod ng keypad/keyboard,” sabi pa ng komedyana.

Mariin pang pahayag ni Kim, “Marami sa inyo ang magsasabing ‘WALA TRABAHO MO YAN DAPAT HANDA KA SA SASABIHIN NG IBA’. Totoo yun at handa naman ako, sabihin niyo mang pikon edi pikon sorry not sorry. But as a ‘public figure’, minsan kinakailangan ding i-call out ang mga ganito.

“We should ALL use our social media platforms RESPONSIBLY. Kung hahayaan lang nating ma-normalize at maging ‘okay’ ang ganito, then kawawa ang mga susunod pang generation sa atin. Be the person you would want your children to look up to. Di mo naintindihan? i-google translate mo nalang.

“Yun lang. Patulog na ako from work. Pagpag ko lang ito at baka mapanaginipan ko pa gigil ko sayo,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina)


May pahabol pang mensahe si Kim, “P.S…tungkol sa hinaharap ko naman, una sa lahat wala ka na dun. Women AND Men are free to do whatever they want with their bodies and that’s PERFECTLY FINE. If it makes one happy and more confident, at kaya naman nila, then LET THEM. It’s none of your business.

“But to keep your curiosity shut, papatulan kita.. pero hindi namin idedemo sayo. Totoo to. Kaya nga hiwalay diba. Ogags ka ba. Anuto pinagawa ko para mag-away tas yung left lumayo kasi nagtatampo sa right?! Edi sayang bayad ko kung ganun. Ok na happy ka na?”

Kinuyog naman ng mga followers ni Kim ang nasabing basher at nakisimpatya sa pambabastos sa aktres. Narito ang ilang nabasa naming comments sa FB post ni Kim.

“Kim is not Kim Molina for nothing! Ang mga netizens dahil nakatago sa keypad/keyboard feeling entitled na magsalita sa mga public figures ke artista man or influencers/vloggers. Mga taong ang alam lang magsalita ng masakit sa kapwa na para bang anlilinis! Anyways, stay who you are. I love you both.”

“Gusto lang makasilip, ews! If you don’t have a daughter, I’m sure you have a mother and I hope that will be a reason for you to learn to respect the women around you, whether they are actresses or not, women deserve respect,” a Facebook user commented.

“And then he still insisted na it’s just a joke. Nowadays, when a person makes a mistake and it gets pointed out, their last resort is to say it’s just a joke and may pahabol pa na gaslight na ‘KJ naman, di gets anong joke.’ Tabang mga anito.”

“True lahat ng sinabi mo, sana ‘yung respeto ibigay sa lahat, sikat man o hindi, lahat may karapatan.”

“Hindi naman kasi dapat gawing biro ang pagiging bastos. Good morning, Ms. Kim, God bless.”

“I feel you Ms Kim, I was once a victim of a pervert and did not tolerate him. Hindi ako pinalaki ng magulang ko nang maayos para bastusin.”

Kim Molina, Jerald Napoles payag bang mag-frontal nudity sa halagang P5-M?

Kim Molina, Jerald Napoles ayaw pang magpakasal: Madaling magplano, mahirap panindigan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anniversary hugot ni Jerald kay Kim: Ang fried chicken sa plain rice, ang wasabi sa sashimi…ngayon lang ako nakumpleto nang ganito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending