Resbak ni Angel sa malisyosong basher: Hindi ko ikamamatay yang chismis mo...magdasal ka | Bandera

Resbak ni Angel sa malisyosong basher: Hindi ko ikamamatay yang chismis mo…magdasal ka

Ervin Santiago |November 23,2021
facebook
share this

Resbak ni Angel sa malisyosong basher: Hindi ko ikamamatay yang chismis mo…magdasal ka

Ervin Santiago - November 23, 2021 - 08:07 AM

Apollo Quiboloy at Angel Locsin

RUMESBAK si Angel Locsin nang mabasa ang bastos at malisyosong komento ng isang basher laban sa kanya.

Kung maraming kumampi sa Kapamilya TV host-actress nang magsalita siya tungkol sa kasong sex trafficking na isinampa laban kay Apollo Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, may mga bumatikos din sa kanya.

Nag-post ng reaksyon si Angel sa Instagram post ng ABS-CBN  tungkol sa balitang sinampahan ng US prosecutors ng sex trafficking case si Quiboloy, na nakilala rin bilang spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa ulat, bukod kay Quiboloy, kinasuhan din ang iba pa niyang kasamahan sa nasabing religious organization dahil sa umano’y pang-aabuso sa ilang kabataang babae.
Ayon kay Angel, “Minor = Rape. Sana maprotektahan agad yung mga naglakas loob na magsalita.”

Kinampihan nga ang aktres ng ilang netizens pero may isang basher na nambasag sa asawa ng film producer na si Neil Arce na nagsabing hindi rin daw malinis ang kanyang pagkatao.

Idinamay pa nga nito sa akusasyon niya kay Angel ang nananahimik na aktres na si Valerie Concepcion.

Sabi ng hater ni Angel, “@therealangellocsin Ay wow. Malinis ka? E diba ikaw yung tumatakas sa taping dati sa GMA para makipagkita sa dyowa mo at makipagdyugdyugan? Tanong pa natin si Valerie Concepcion.”

Bwelta ni Angel sa basher, huwag daw itong mag-imbento ng kuwento para lang mapagtakpan ang kamalian ng ibang tao.

Hirit ni Angel, “huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan. Tag ko pa si @v_concepcion o. hindi ko ikamamatay yang chismis mo (smiling face with smiling eyes emoji) magdasal ka.”

Nabasa rin ni Valerie ang pang-ookray ng basher kay Angel kaya pinayuhan niya ang kaibigan na huwag na itong patulan dahil halatang troll lamang ito na walang magawa sa buhay.

Chika ni Valerie, “Naku mare @therealangellocsin. Obvious na troll lang yan. Wag mo na lang pansinin. Ang layo sa issue ng comment eh. Mema lang.”

View this post on Instagram

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin)


Kung matatandaan, halos sabay nagkomento si Angel at ang boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla laban kay Quiboloy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Post ni Daniel sa Instagram patungkol sa mga kasong kinasasangkutan ng nabanggit na religious leader, “Isa isa ng tinatawag ni Satanas.”

Daniel, Angel matapang na nagkomento ukol kasong sex trafficking ni Quiboloy

Bakit nga ba nag-offer si Angel ng kwarto kina Chito Miranda?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending