Kim Molina sa plano nila ni Jerald Napoles na magka-baby: 'Ang tatanda na namin... gusto ko na nga, e! Charing!' | Bandera

Kim Molina sa plano nila ni Jerald Napoles na magka-baby: ‘Ang tatanda na namin… gusto ko na nga, e! Charing!’

Ervin Santiago |March 12,2023
facebook
share this

Kim Molina sa plano nila ni Jerald Napoles na magka-baby: ‘Ang tatanda na namin… gusto ko na nga, e! Charing!’

Ervin Santiago - March 12, 2023 - 10:33 AM

Kim Molina sa plano nila ni Jerald Napoles na magka-baby: 'Ang tatanda na namin... gusto ko na nga, e! Charing!'

Kim Molina, Jerald Napoles at Gianna Iguiron

MAGANDANG training para sa celebrity couple na sina Jerald Napoles at Kim Molina ang bago nilang project bilang paghahanda sa pagkakaroon ng baby.

Sa kauna-unahang pagkakataon, gaganap na mag-asawa at mga parents sina Kim at Jerald sa bagong fun-serye at comedy series ng TV5 na “Team A: Happy Fam, Happy Life”.

Sa naganap na mediacon para sa “Team A” nitong nagdaang March 9, natanong nga ang magdyowa kung itinuturing na rin nilang preparasyon sa pagiging mga magulang ang bago nilang show.

Unang sumagot si Kim, “Ang tatanda na namin. Gusto ko na nga, e! Charing! Ha-hahahaha!”

Hirit naman ni Jerald sa joke ni Kim, “Hindi na namin sasabihin na, ‘Ah, actually po, for now…’ walang ganu’n. Ha-hahahaha!”

“Honestly, puwede. Hindi na namin ide-deny ‘yan. Sabi nga ni Kim, ang tatanda na namin,” seryosong sabi ni Jerald.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina)


Totoong napag-uusapan na raw nila ang pagkakaroon ng anak at pinaghahandaan na rin nila ang pagdating ng araw na magiging mga magulang na rin sila.

At dahil nga sa bago nilang programa sa TV5 at sa mga karakter na ginagampanan nila, mas naiisip nila kung nangyayari na nga ito sa tunay na buhay.

“Ano po, of course, nakikita namin, ‘Grabe, ’no? ’Yung roles natin…’ doon kami nagsisimula, e. ‘Grabe, ang role natin mag-asawa.’ Automatic, pag-uusapan n’yong mag-partner. Tapos live in pa kami,” pahayag pa ni Jerald.

Pero sabi ng celebrity couple, sa ngayon ay ini-enjoy lang nila ang kanilang relationship bilang partners in life at partners on screen. Sa dami ng blessings at opportunities na dumarating sa kanila, mas gusto nilang mag-focus muna sa kanilang career.

“So, we’re just trying to enjoy the process of the shoot because this is actually a fictional and good vibes shoot.

“So, parang nagdu-dwell lang muna kami doon sa idea na ’yon because we know also na pag dating ng panahon na sakaling magka-pamilya, hindi lang ’yon side na mae-encounter ng mag-partner o mag-asawa,” paliwanag ng aktor.

Baka Bet Mo: Kim Molina buntis na nga ba sa panganay nila ni Jerald Napoles…o baka naman engaged na?!

“Ngayon, parang nakikita namin, napapanood namin ’yung the good part, yun kasi ang ipinapakita ng show na ’to, e. Parang we’re trying to show how to process the concerns and issues of a family in a light manner. Parang ganu’n.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by TV5 (@tv5manila)


“Parang hindi tayo ’yung sa totoong buhay na, ‘Hayop ka!’ Ha-hahahahaha! Walang ganu’n. So ’yun ’yung medyo ano namin, ang bida-bida namin sa show na ito,” sey pa ng komedyante at singer.

Hirit naman ni Kim, “Ganu’n din naman po. Siya po nagde-decide. Ako po ’yung mabubuntis, e. Ha-hahahaha!”

“Pero, yes, we’re thinking about it also especially kapag kami-kaming tatlo lang nitong si Baby Girl (Gianna Iguiron, anak nila sa Team A) as in, baby talaga namin siya,” dugtong ni Kim.

“Pero ngayon po ay focused kami, siyempre, sa aming pamilya, Pamilya Ambida. Malaman-laman po natin kung may madadagdag mang cast. Charing! Ha-hahahaha! But not anytime soon. Not anytime soon,” sey pa ng aktres.

Makakasama rin ng KimJe sa “TeamA” sina Yayo Aguila, Anjo Yllana, Cindy Miranda at marami pang iba. Mapapanood na ito simula sa March 18, tuwing Sabado, 9:30 p.m. sa TV5 at catch-up episodes sa darating na March 19, tuwing Linggo, 9 p.m. sa Sari Sari Channel Cignal Channel 3.

Jerald sa pagpo-propose kay Kim: Madali lang namang magplano ng pagpapakasal, pero mahirap talagang panindigan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim Molina, Jerald Napoles walang arte sa love scene; hubad kung hubad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending