Baby bump ni Toni nasilip ng netizens habang iniinterbyu si Angeline, hirit ni Ogie: 'Hayaan nating sila ang mag-announce' | Bandera

Baby bump ni Toni nasilip ng netizens habang iniinterbyu si Angeline, hirit ni Ogie: ‘Hayaan nating sila ang mag-announce’

Ervin Santiago |April 12,2023
facebook
share this

Baby bump ni Toni nasilip ng netizens habang iniinterbyu si Angeline, hirit ni Ogie: ‘Hayaan nating sila ang mag-announce’

Ervin Santiago - April 12, 2023 - 06:40 AM

Baby bump ni Toni nasilip ng netizens habang iniinterbyu si Angeline, hirit ni Ogie: 'Hayaan nating sila ang mag-announce'

Toni Gonzaga at Angeline Quinto

WALANG obligasyon si Toni Gonzaga sa publiko para ibandera o ipagsigawan sa buong universe ang kanyang pagbubuntis.

Unang lumabas dito sa BANDERA ang balitang buntis na uli si Toni sa ikalawang anak nila ni Direk Paul Soriano, base sa ulat ni Reggee Bonoan.

Pero hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa celebrity couple kaya naman abangers pa rin ang lahat sa kanilang official announcement.

Maraming nagtatanong kung bakit until now ay ayaw pang magbigay ng detalye sina Toni at Paul tungkol sa kanilang pregnancy, ano raw kaya ang problema o issue ng mag-asawa.

Sa latest vlog ni Toni sa kanyang YouTube channel kung saan naging special guest niya si Angeline Quinto, may mga nakapansin sa tila baby bump ni Toni habang ito’y nakaupo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)


Naiintindihan naman ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz kung nagdesisyon si Toni at ang husband nitong si Direk Paul na gawing pribado muna ang kaganapang ito sa kanilang buhay.

Para kay Papa O, “Dapat intindihin natin ‘yan. Minsan may mga ganoon, kapag nagbubuntis, mas gusto nila tahimik lang hanggang sa makapanganak sila. Kung anong gustong isipin ng mga tao, edi isipin niyo.”

Baka Bet Mo: Toni sad sa nangyari kay Vhong: Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, all I can offer now is prayers…

Ang mahalaga raw ay natupad na ang hiling ng mag-asawa na mabigyan ng kapatid si Seve,
“Kaya hayaan natin ‘yan. Hayaan natin n’yong sila ang mag-announce niyan. Congratulations kung totoo man.”

Kasunod nito, ipinagdiinan nga ni Ogie na hindi responsibilidad ng pamilya nina Toni at Paul na ipaalam o ibalita sa lahat na magkakaroon na uli sila ng baby.

“Sa mga nagtatanong kung bakit hindi inaamin, o ina-announce, wala hong obligasyon sa inyo ang pamilya na na mag-announce. Hayaan na natin sila.

“Hayaan natin sila mag-announce. Hayaan natin sila kung anong gusto nilang gawin dahil buhay nila ‘yun, anak nila yun.

“Sila ang nakakaalam sa kung ano ang dapat at tama. Maghintay-hintay na lang,” ang punto pa ni Papa O.

Sa huli, sinabi ni Ogie na ang tanging magagawa niya ngayon ay ang ipagdasal ang ligtas at healthy na pregnancy at panganganak ni Toni Gonzaga.

Rowena Guanzon sa pagtatanggol sa dalawang kasambahay: Obligasyon ko na tulungan ang mga nanghihingi ng tulong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni exit na sa PBB, wala raw formal resignation; Bianca papalit bilang main host

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending