Rowena Guanzon sa pagtatanggol sa dalawang kasambahay: Obligasyon ko na tulungan ang mga nanghihingi ng tulong | Bandera

Rowena Guanzon sa pagtatanggol sa dalawang kasambahay: Obligasyon ko na tulungan ang mga nanghihingi ng tulong

Therese Arceo |July 15,2022
facebook
share this

Rowena Guanzon sa pagtatanggol sa dalawang kasambahay: Obligasyon ko na tulungan ang mga nanghihingi ng tulong

Therese Arceo - July 15, 2022 - 01:10 PM

Rowena Guanzon sa pagtatanggol sa dalawang kasambahay: Obligasyon ko na tulungan ang mga nanghihingi ng tulong
NAGPALIWANAG ang dating Comelec commissioner at P3PWD Party-list representative na si Cong. Rowena Guanzon kung bakit labis siyang apektado sa nangyari sa dalawang kasambahay.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang kantang dahilan kung bakit niya ipinagtatanggol ang dalawa na umabot na nga sa pakikipagbardagulan online.

“Kababayan ko po yung dalawang kasambahay mga taga-Negros din sila, inilapit sila sa akin at nagtiwala,” saad ni Guanzon.

Aniya, bukod sa pagiging magkababayan ay obligasyon niya ang magbigay tulong sa nangangailangan.

“Obligasyon ko na tulungan ang mga nanghihingi ng tulong hindi ng ano pa man dahil dapat na mas pagmalasakitan natin ang mga walang boses,” dagdag pa ni Guanzon.

Matatandaang noong July 7, nag-tweet ang dating commissioner na may dalawang kasambahay ang pinalayas ng kanilang amo at kinailangan itong i-rescue ng kanyang kaibigan.

Sa isa pang tweet pa ni Guanzon ay tinanong nito ang amo kung nasaan ang compassion nito. Bukod dito, pinaalis daw ang dalawa nang hindi pa binibigay ang kanilang mga sahod.

Umaga ng July 8 naman nang tawagin niya ang pansin ng aktres na si Ruffa Gutierrez at tinanong kung totoo ba ang mga na-tweet niya.

Sinagot naman siya ng aktres at nilinaw na wala siyang pinapalayas o sinisisante dahil kusa raw at mismong kagustuhan ng dalawa ang umalis.

Sinabi rin niya na ang dalawa daw ang nagsisimula ng gulo at inaaway pa ang senior mayordoma nila na 18 years nang naninilbihan sa kanila.

“Let me make it clear po: I did NOT fire anyone They wanted to leave on their own accord. I have rarely been home shooting everyday, all day, all night for #MAIDinMALACANANG,” paliwanag ni Ruffa.

Ngunit nagpatuloy na nga ang sagutan at bardagulan ng dalawang kampo hanggang sa may mga nasali na ring ibang personalidad kaya naman lately ay trending ang mga ito.

Ngayon ay kasali na sa isyu ang VinCentiments director na si Darryl Yap at ang komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Rowena Guanzon kay Ruffa Gutierrez: Where is your compassion?

Ruffa Gutierrez sumagot sa paratang ni Rowena Guanzon: I did not fire anyone

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending