Toni sad sa nangyari kay Vhong: Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, all I can offer now is prayers... | Bandera

Toni sad sa nangyari kay Vhong: Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, all I can offer now is prayers…

Reggee Bonoan |November 17,2022
facebook
share this

Toni sad sa nangyari kay Vhong: Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, all I can offer now is prayers…

Reggee Bonoan - November 17, 2022 - 06:08 PM
Toni sad sa nangyari kay Vhong: Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, all I can offer now is prayers...

NALUNGKOT bigla si Toni Gonzaga nang hingan ng reaksyon tungkol kay Vhong Navarro na naging leading man niya sa pelikulang “D Anothers” (2005 ) at “My Only You” (2008).

Hindi pa kasi nadedesisyunan ang hiling ng kampo ng aktor na makapag-post ng bail para sa kinakaharap nitong rape case.

Ang nadesisyunan pa lang ay ang paglipat sa aktor sa Taguig City Jail mula sa NBI detention center bagay na ipinag-aalala ng pamilya nito.

Sa ginanap na mediacon para sa 20th anniversary concert ng TV host-actress at singer na “I Am…Toni” ay nag-apuhap siya ng sasabihin tungkol kay Vhong.

Aniya, “Siyempre hindi mo maiaalis na malungkot, ako hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, all I can offer now is prayers.”

Lahat naman ng taga-showbiz industry ay sobrang malungkot sa nangyayari ngayon kay Vhong patunay lang na maraming nagmamahal sa kanya dahil sa kinahinatnan ng kaso nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

Samantala, hindi muna pinangalanan ni Toni kung sinu-sino ang guests niya sa kanyang “I Am Toni” concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Enero 20, 2023 dahil sorpresa raw iyon sa lahat at sinigurado niya na naging part ng career niya ang mga ito.

Maging sa kanyang repertoire ay kasama siya sa namili dahil part ito ng 20 years niya sa industriya.

Nagbalik-tanaw kami kung isa si Jolina Magdangal sa surprise guest niya dahil malaki ang naitulong nito sa career niya. Lagi siyang kinukuhang front act noon ni Jolens sa mga provincial shows at malaking bagay ito para makilala ang nagsisimula pa lang noon na si Toni G.

“Yes, ako ang front act niya dati sa mga concerts niya, we’ll see, we’ll see (kung magiging guest sa concert). Love ko ‘yan si Jolens, isa sa napakabait na artista, singer na nakilala ko noong nagsisimula ako.

“Hindi ko siya makakalimutan dahil ang opening ng concert niya ‘Opps I Did It Again’ by Britney Spears, that was 1998-1999,” nakangiting sabi ng tinaguriang Ultimate Multimedia Star.

Hindi nalimutan ni Toni ang mga taong nakatulong sa kanya noon dahil ina acknowlege niya ito. Pati ang simpleng suot niyang jeans and white shirt noon ay inamin niya.

‘”Oo, kasi wala pa akong budget noon. Hindi halata kaya yun na lang jeans and shirt na lang,” tumawang sabi pa ni Toni.

Ang “I Am…Toni” ay mapapanood na sa January 20, 2023, sa Araneta Coliseum, produced by Godfather Productions and Ovations Productions.

Related Chika:

Toni exit na sa PBB, wala raw formal resignation; Bianca papalit bilang main host

Toni Gonzaga welcome pa rin sa ABS-CBN kahit nag-resign na dahil sa pagsuporta kay Bongbong Marcos

Vhong Navarro kinampihan ng ex-wife na si Bianca Lapus: The truth will prevail, walang iwanan…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Gonzaga: Ang tunay na laban ay mangyayari sa araw ng halalan

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending