Cristy Fermin may pakiusap sa fans: Huwag n'yo nang pagsabungin sina Julie Anne at Janine! | Bandera

Cristy Fermin may pakiusap sa fans: Huwag n’yo nang pagsabungin sina Julie Anne at Janine!

Pauline del Rosario |April 09,2023
facebook
share this

Cristy Fermin may pakiusap sa fans: Huwag n’yo nang pagsabungin sina Julie Anne at Janine!

Pauline del Rosario - April 09, 2023 - 12:04 PM

Cristy Fermin may pakiusap sa fans: Huwag n'yo nang pagsabungin sina Julie Anne at Janine!

MUKHANG napansin na ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin ang madalas na pagkukumpara sa pagitan nina Julie Anne San Jose at Janine Gutierrez.

‘Yan ay dahil parehong nauugnay sa aktor na si Rayver Cruz.

Alam naman natin na naging ex-girlfriend ni Rayver si Janine, habang ang current girlfriend niya ay si Julie Anne.

Sa latest YouTube vlog na “Showbiz Now Na!” ni Tita Cristy kasama sina Rommel Chika at Wendell Alvarez ay inihayag nila ang mga nasasagap na chika mula sa netizens.

Ayon sa kolumnista, maraming Janine fans ang nagsasabing maraming talento ang kanilang idol kaysa kay Julie Anne.

“Kahit wala kang ginagawa, pagkukumparahin. Kasi ang punto ng mga maka-Janine ay walang-wala. No comparison between the two,” sey ni Tita Cristy.

Chika pa niya, “Kasi daw si Janine, graduate ng Ateneo, nakatapos ng International studies, European studies, marunong da siyang mag-German, marunong mag-Italian, marunong mag-French. Samantalang si Julie Anne wala raw alam kundi kumanta lang.”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin sinabing pumalpak ang gamutan ni Kris Aquino, lilipat nga ba ng ospital?

Tila tinutulan naman ‘yan ni Rommel dahil pagdating naman daw sa pag-arte ay kakaibang Julie Anne ang kanilang nasubaybayan, lalo na’t katatapos lang ng pinagbibidahan nitong teleserye na “Maria Clara at Ibarra.”

Gayunpaman, sinabi ni Tita Cristy na kahit ano pa ang sabihin ng netizens ay si Rayver pa rin daw ang pipili kung sino ang para sa kanya.

“At tsaka sa dulo po nito, kahit pagsabungin niyo pa itong sina Julie Anne at Janine, isang tao lang po ang magtatakda kung sino para sa kanya ay perpekto,” sey ng kolumnista.

Aniya, “‘Wag niyo na pong pagsabungin. Baka nga magkaibigan pa ‘yung dalawa e kasi parehong nanggaling sa GMA.”

Panawagan pa niya, “So’wag natin pagsabungin kasi unang-una, hindi dapat. May kanya-kanyang talento, may kanya-kanyang accomplishments.”

Matatandaan noong October 2021 pa nang mabalitaang nakipag-break si Janine kay Rayver matapos ang limang taong relasyon.

Noong Nobyembre naman ng opisyal nang kumpirmahin nina Julie Anne at Rayver na mag-dyowa na silang dalawa matapos magsabihan ng “I love you” sa concert na “JulieVerse.”

Magugunitang noong Agosto ay umamin si Rayver sa showbiz podcast ng Entertainment Correspondent na si Nelson Canlas na nililigawan niya si Julie Anne.

Nag-umpisa ang “dating rumors” ng dalawa noong nakaraang taon, lalong-lalo na noong nagkasama sila sa “Limitless” concert ni Julie Anne noong Abril.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Lolit Solis bet na bet si Nadine Lustre: Mukha siyang natural at walang arte kasama

Jake Ejercito pinuri ni Lolit Solis: Suwerte ang magiging asawa niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending