Cristy Fermin nakakatakot maging ninang sa kasal: Lahat ng inaanak ko nagkakahiwalay
AMINADO ang kolumnistang si Cristy Fermin na umiiwas siya sa mga kumukuha sa kanya bilang ninang sa kasal.
Nabanggit kasi nila sa kanilang online program na “Showbiz Now Na” kung saan kasama niya sina Romel Chika at Wendell Alvarez ang mga celebrities na naghahanda na para sa kanilang pag-iisang dibdib.
Ilan sa mga nabanggit nina Cristy ay sina Maja Salvador, Angelica Panganiban, at Maine Mendoza.
Matapos nito ay nasabi ni Cristy na ngayon ay iniiwasan na niya ang mga imbitasyon sa mga kasalan at tumatanggi na raw siya na mag-ninang.
“Hindi talaga ako nagpupunta sa kasalan. Lalong tumatanggi na ako ngayon para mag-ninang. Kasi alam mo talaga pagka binilang ko talaga, lahat ng inaanak ko nagkakahiwalay kaya ‘wag niyo po akong kukunin. Walang biro. Nakakatakot po talaga ako maging ninang,” saad ng kolumnista.
Sabi pa ni Cristy, “Ngayon kung may galit ka sa mga artista, ipagpilitan mo na ako ang maging ninang nang magkahiwalay sila. Charot!”
Biro pa niya, kung nais naman daw na mauwi sa paghihiwalay ang relasyon ay kunin raw siyang ninang.
“Wag na wag niyo po akong kukunin. Sayang ang inyong relasyon. Pero kung gusto niyo po na hiwalayan ang inyong asawa niyo, ang pakaksalan niyo, Go!” chika ni Cristy.
Dito nga ay nabanggit niya na naging ninang na siya nang ikasal si Willie Revillame, ang kanyang anak-anakan na nakatampuhan niya kamakailan.
Sey naman ni Romel ay dapat raw ipaalisag sumpa na mayroon si Cristy.
Hirit naman niya, “Sa nakaraang buhay siguro, ako’y isang pader. Hindi ako naging isang tulay… Grabe nakakaloka!”
Pero sa kabila nito ay natutuwa naman si Cristy sa mga celebrities na nauwi sa kasalan ang kanilang pagmamahalan.
“Nakakatuwa yung mga ganitong personalidad na mauuwi ang kanilang relasyon sa altar.
“Nakakatuwa na nagkaroon ng magandang resulta ang kanilang pagmamahalan,” sabi pa ni Cristy.
Related Chika:
Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame
Banat ni Cristy Fermin kay Liza Soberano: ‘Wala kang utang na loob, hindi ka Pilipino!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.