Herlene Budol nag-volunteer na maging ninang ng anak nina Luis at Jessy: 'Tapos daddy at mommy mo magbibigay sa 'kin ng Pamasko!' | Bandera

Herlene Budol nag-volunteer na maging ninang ng anak nina Luis at Jessy: ‘Tapos daddy at mommy mo magbibigay sa ‘kin ng Pamasko!’

Ervin Santiago |January 16,2023
facebook
share this

Herlene Budol nag-volunteer na maging ninang ng anak nina Luis at Jessy: ‘Tapos daddy at mommy mo magbibigay sa ‘kin ng Pamasko!’

Ervin Santiago - January 16, 2023 - 08:09 AM

Herlene Budol nag-volunteer na maging ninang ng anak nina Luis at Jessy: 'Tapos daddy at mommy mo magbibigay sa 'kin ng Pamasko!'

Herlene Budol at Luis Manzano

MAY bonggang hirit si Kapuso actress-beauty queen Herlene Budol sa celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Mismong si Herlene o kilala rin sa tawag na Hipon Girl ang nag-request na sana’y kunin daw daw siyang ninang ng mag-asawa kapag bininyagan na ang kanilang panganay na anak.

Ito’y matapos ngang i-flex ni Luis sa madlang pipol ang first born baby nila ni Jessy na si Isabelle Rose Tawile Manzano o Baby Peanut.

Sa kanyang Facebook account, ipinost ng TV host-actor ang litrato niya habang kalong ang baby pero tinakpan ng rose emoji ang mukha ng sanggol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“Hi Peanut. Isabella Rose Tawile Manzano,” ang caption ni Luis sa kanyang Facebook post noong Linggo, January 7.

Daan-daang netizens naman ang nagpaabot ng pagbati sa first-time parents kabilang na riyan ang mga kaibigan nila sa showbiz.

Isa na mga riyan ang Kapuso star na si Herlene na diretsahang nagsabi na gusto niyang maging ninang ng baby, pero may nakakalokang twist ang pagbo-volunteer ni Hipon.

Aniya, “Hi Peanut sana kunin akong ninang tapos daddy at mommy mo magbibigay sakin every year ng Pamasko!”

Nang mabasa naman ito ni Luis, agad siyang nagkomento ng, “Parang may iba ha!”

Hindi naman sinagot ng TV host kung kukunin ba niyang ninang ni Baby Peanut si Herlene.

Nauna rito, sinupalpal ng hubby ni Jessy ang ilang netizens na nangnenega sa kanilang pamilya, kabilang na ang mga nang-ookray sa kanilang anak.

Ogie, Regine nag-volunteer na bilang ninong at ninang sa kasal nina Paulo at Janine

Megan, Mikael nagkasundo na huwag munang magkaroon ng anak dahil…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz may babala sa mga magulang na ginawang ‘hanapbuhay’ ang Pasko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending