Ogie, Regine nag-volunteer na bilang ninong at ninang sa kasal nina Paulo at Janine | Bandera

Ogie, Regine nag-volunteer na bilang ninong at ninang sa kasal nina Paulo at Janine

Ervin Santiago |August 24,2022
facebook
share this

Ogie, Regine nag-volunteer na bilang ninong at ninang sa kasal nina Paulo at Janine

Ervin Santiago - August 24, 2022 - 06:56 AM

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

KILIG na kilig si Janine Gutierrez nang mapag-usapan sa guesting niya sa “Magandang Buhay” last Monday ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Paulo Avelino.

Game na game na nakipagbiruan ang award-winning Kapamilya actress sa mga host ng programa na sina Regine Velasquez, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Pero sa naging takbo ng chikahan nila ay mukhang totoo nga ang matagal nang chika na may “something” na sa dalawang Kapamilya stars kahit pa nga wala pa ring diretsahang pag-amin mula sa kanila.

Sa isang bahagi ng Kapamilya morning show ay tinanong ni Regine si Janine kung sila na nga ba talaga ni Paulo dahil sa kanilang kakaibang sweetness at tiningan kapag magkasama.

“Naku, mahirap magsalita ng wala siya. Dapat balik na lang kami na kasama siya.

View this post on Instagram

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)


“Ang masasabi ko lang nag-volunteer po na ninong si Sir Ogie (Alcasid). So, Ninong Ogie na siya ngayon sa amin!” ang nakakalokang rebelasyon ni Janine.

Sey naman ng Asia’s Songbird sa aktres, “Kapag nagninong siya, may ka-partner siyang ninang.”

“Oh, my God! Gusto ko yan!” ang kinilig na sagot ni Janine sa sinabi ni Regine.

Tumingin din ang dalaga sa dalawa pang host na sina Melai at Jolina sabay dialogue ng, “Kayo rin ha?”

Hirit na tanong uli ni Regine kay Janine, bakit parang nangongontrata na raw ang dalaga ng nga ninang na sinagot ni Janine ng, “Wala lang parang planning ahead baga.”

Kung matatandaan, matagal na nakasama nina Janine at Paulo si Ogie sa US concert nito noong Marso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa tuwing makakachikahan namin sina Paulo at Janine ay pareho silang umiiwas sa tanong tungkol sa kanilang relasyon kahit very obvious nang super in love na sila sa isa’t isa.

Janine sa panliligaw ni Paulo: Dapat siya ang tanungin n’yo, alangan namang ako pa ang sumagot, e ako yung girl

Paulo diretsahang tinanong si Janine: Type mo raw ba ako? Jojowain o totropahin?

Ryan Agoncillo naging ninong muna kay Yohan bago maging ama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending