Bulkang Mayon ibinaba na sa Alert Level 1  –Phivolcs | Bandera

Bulkang Mayon ibinaba na sa Alert Level 1  –Phivolcs

Pauline del Rosario - March 17, 2023 - 11:32 AM

Bulkang Mayon ibinaba na sa Alert Level 1  –Phivolcs

PHOTO: MARK ALVIC ESPLANA

IBINABA na sa Alert Level 1 ang Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

“Phivolcs is now lowering the alert status of Mayon from Alert Level 2 to Alert Level 1,” pahayag ng state seismologist nitong March 16.

Sey pa ng ahensya, “This means that the volcano’s state of unrest has declined to low levels and that the likelihood of an eruption occurring within the immediate future has diminished.”

Kung maaalala, Oktubre ng nakaraang taon nang itinaas sa Alert Level 2 ang bulkan dahil nakitaan ito ng pag-aalboroto at mga abnormal na aktibidad.

Anyway, ibinaba na nga ang status nito ngayon dahil nabawasan na ang pagyanig nito mula pa noong Disyembre.

Bukod diyan ay kapansin-pansin din na mahina hanggang sa katamtaman nalang ang binubugang usok ng Mayon.

“Such relatively low levels are consistent with passive degassing of resting magma beneath the edifice,” saad ng Phivolcs.

Gayunpaman, nagbabala pa rin ang ahensya na bawal pumasok sa 6-kilometer permanent danger zone.

Ang Mayon ay isa sa mga pinaka aktibong bulkan sa bansa at huli itong sumabog noong January 2018.

Read more:

Bulkang Mayon nagtala ng mga pagyanig, nakataas pa rin ang ‘alert level 2’

Jhong Hilario dinala ang anak na si Sarina sa eye hospital, bakit kaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie Revillame hindi iiwan ang GMA, ayon kay Cristy Fermin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending