Bulkang Mayon nagtala ng mga pagyanig, nakataas pa rin ang ‘alert level 2’ | Bandera

Bulkang Mayon nagtala ng mga pagyanig, nakataas pa rin ang ‘alert level 2’

Pauline del Rosario - November 13, 2022 - 11:17 AM

Bulkang Mayon nagtala ng mga pagyanig, nakataas pa rin ang ‘alert level 2’

PHOTO: JOHN MICHAEL MANJARES/CONTRIBUTOR

NAGTALA ng walong pagyanig ang bulkang Mayon sa loob ng 12 na araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa isang bulletin, sinabi ng ahensya na nakapagtala ang kanilang obserbatoryo sa Lignon hill sa Legazpi City ng tatlong volcanic quakes noong November 12.

May tatlong pagyanig naman noong November 1, habang may tig-isa na na-record noong November 7 at 10.

Sinabi pa ng Phivolcs na nagkakaroon ng pagbuga ng puti na usok ang bulkan at tuwing gabi naman ay may nakikita silang “glow” mula sa crater o bunganga ng Mayon.

Iniulat din ng ahensya na lumaki ang size ng “lava dome” o ‘yung pagbuo ng lava simula pa noong November 2.

Dahil diyan, nagbabala na ang Phivolcs na bawal pumasok sa 6-kilometer permanent danger zone dahil maaaring magkaroon ng biglaang pagsabog.

Matatandaang noong October 7 nang itinaas sa alert level 2 ang bulkang Mayon dahil nakitaan ito ng pag-aalboroto at mga abnormal na aktibidad.

Ang Mayon ay isa sa mga pinaka aktibong bulkan sa bansa at huli itong sumabog noong January 2018.

Read more:

DOH iginiit ang pagsusuot ng face mask sa mga Christmas gatherings, events

Libreng sakay ng Edsa carousel gagawing 24 oras, magtatapos ng Dec. 31

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

8 arestado sa Bulacan na gumagawa umano ng ilegal na paputok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending