8 arestado sa Bulacan na gumagawa umano ng ilegal na paputok
ARESTADO ang walong manggagawa matapos i-raid ng pulisya ang isang factory ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan.
Base sa police report, nahuli sila habang gumagawa umano ng iligal na paputok sa Barangay Biñang 1st.
Kinilala ang walong suspek na sina Orlando Dela Cruz, ang operator ng factory, pati narin ang kapwa-manggagawa na sina Jojo Parrocha, Arnel Abubo, Darell Prajes, Bladimir Salde, Rodel Alegria, at John Kevin Lalus.
Bukod pa riyan ay nakumpiska rin ng mga awtoridad ang P200,000 worth ng pyrotechnic products, kabilang na riyan ang iba’t-ibang klase ng Pagoda.
Ayon sa Bocaue police, isinagawa ang operasyon laban sa ilegal na pagawaan ng paputok bandang 6:45 p.m. noong Miyerkules, November 9.
Wala raw maipakitang permit o lisensya ang mga suspek kaya nila inaresto.
Kamakailan lang ay may tatlo namang inaresto sa bayan ng Sta. Maria na akto ring gumagawa ng paputok na walang kaukulang permit.
Narekober sa kanila ay daan-daang bundle ng sawa, at isang kahon ng 5-star.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 7183 o “Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices.”
Read more:
Dominic Roco arestado sa drug buy-bust operation sa Quezon City
Lalaki kinagat sa tenga matapos makipag-inuman, mga suspek arestado
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.