Lalaki kinagat sa tenga matapos makipag-inuman, mga suspek arestado | Bandera

Lalaki kinagat sa tenga matapos makipag-inuman, mga suspek arestado

Therese Arceo |March 08,2022
facebook
share this

Lalaki kinagat sa tenga matapos makipag-inuman, mga suspek arestado

Therese Arceo - March 08, 2022 - 02:03 PM

Lalaki kinagat sa tenga matapos makipag-inuman, mga suspek arestado

Screenshot from Unang Balita of Unang Hirit

NAUWI sa pisikalan at pangangagat ng tenga ang inuman ng tatlong lalaki sa Culiat, Quezon City.

Ayon sa ulat mula sa “Unang Hirit” nitong Martes, napingas ang kanang tenga ng 30-anyos na biktima matapos iting kagatin ng kanyang kainuman.

Base sa pag-iimbestiga ng pulisya, pawang mga dayo lang raw ang mga suspek na sina sina Juanito Gaviola at Rogelio Losorata sa lugar.

Kuwento ni Police Liutenant Anthony Dasquel, hepe ng criminal investigation unit, nagkayayaan daw ang tatlo na kumain sa karinderya pagkatapos ng kanilang inuman.

“Habang kumakain sila, ‘yung isang suspek natin nanghingi raw ng sabaw. Ngayon, nababastos daw ‘yung waitress.”

Dito na nga ay sinita at pinagsabihan na ng biktima si Gaviola sa inaasal nito bagay na ikinagalit ng kanyang kasamahan.

Salaysay ng biktima, aawatin lang sana niya ang nagwawalang si Gaviola noong malapit na sila sa kanyang bahay nang bigla na lamang siyang suntukin nito.

Tumulong na rin sa pananakit sa biktima ang isa pa nilang kasamahan.

“Naghamon pa siya ng away. ‘Bumaba po kayo. Dito tayo sa kalsada’, sabi niya. E ako naman di naman po ako lasing, bumaba po ako. Sabi ko, ‘Ano bang problema mo, kuya?’ bigla niya po akong sinuntok. Tatlong beses siyang sumuntok sa akin, hindi siya tumama. Saka niya ako hinawakan [sa] damit, niyakap, kinagat ako dito (kanang tenga).

Mabuti na lamang at nadala agad sa ospital ang biktima kung saan tinahi ang kaniyang tenga samantalang arestado naman ang dalawang suspek.

Pag-amin ni Gaviola, sinadya niya talaga na kagatin ang tenga ng biktima dahil sinugod daw siya nito at sinuntok.

“Nauna siyang sumuntok sa akin, e tapos ‘yun. Hindi siya nakasuntok kasi ‘yung dalawang kamay niya hinawakan ko tapos kinagat ko [yung tenga niya] sabay takbo.” lahad ni Gaviola.

Saad naman ng isa pang suspek na si Rogelio Losorata, wala naman daw siyang ginawa at pinabulaanan rin ang sinabi ng biktima na sumuntok siya.

Mahaharap naman sa kasong serious physical injury ang mga suspek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Balita:
Sanggol ipinagbili online; 20-anyos na ina dinakma
Badjao Girl planong sumali sa Miss Universe, payo ng netizens: Mag-train ka na, galingan mo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending