Badjao Girl planong sumali sa Miss Universe, payo ng netizens: Mag-train ka na, galingan mo! Bandera

Badjao Girl planong sumali sa Miss Universe, payo ng netizens: Mag-train ka na, galingan mo!

Ervin Santiago |September 22,2021
share this

Badjao Girl planong sumali sa Miss Universe, payo ng netizens: Mag-train ka na, galingan mo!

Ervin Santiago - September 22, 2021 - 02:56 PM

Rita Gaviola

NAPA-WOW ang mga netizens sa mala-beauty queen na aura ngayon ng dating internet sensation na si Rita Gaviola o mas kilala bilang Badjao Girl.

In fairness, agaw-eksena ang dalaga sa mga bago niyang litrato sa social media na pinusuan at ni-like ng libu-libong netizens kasabay ng puro positive comments.

Sa isa niyang Instagram post,  ibinahagi ni Rita ang isang photo kung saan makikitang super naka-make up siya at tila rumampa sa isang fashion event o photo shoot.

Dito kinumpirma ng dalaga na nagpaplano na siyang sumali sa Miss Universe pageant. Aniya sa caption, “Soon sasali na tayo sa Miss U.” 

Sunud-sunod naman ang mga positibong komento mula sa kanyang followers at nagpahayag ng suporta sa balak niyang pagsali sa pinakamalaking national pageant sa bansa.

Sabi ng isang netizen, “Magtrain ka lang galingan mo. Bagay na bagay kang beauty queen!”

“Sali ka na po sa Miss U next year please, promising ang aura! Go girl! Support kami sa yo!” comment pa ng isang IG user.

May nagtanong naman kung sinusundan ba niya ang mga yapak  ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Kisses Delavin na isa sa mga rarampa at lalaban sa Miss Universe Philippines 2021.

Sagot naman sa kanya ni Rita, “Soon po.” 

Tulad ni Kisses, mas sumikat pa si Rita na nauna ngang nag-viral bilang Badjao Girl nang sumali siya sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” kung saan itinanghal na big winner si Maymay Entrata.

Kung matatandaan, taong 2016 nang mag-viral ang litrato ni Rita habang nanlilimos kasama ang kanyang kapatid habang ipinagdiriwang ang Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending