Willie Revillame hindi iiwan ang GMA, ayon kay Cristy Fermin | Bandera

Willie Revillame hindi iiwan ang GMA, ayon kay Cristy Fermin

Reggee Bonoan - February 05, 2022 - 04:34 PM

Willie Revillame hindi iiwan ang GMA, ayon kay Cristy Fermin

BALIK-STUDIO na sa GMA 7 ang programang “Wowowin: Tutok to Win” ni Willie Revillame dahil nasa Alert Level 2 na ang Metro Manila.

Kaya nagpaalam na si Willie kahapon, Biyernes na huling araw na nila sa Tagaytay City dahil balik studio na sila.

Samantala, klinaro ng taong malapit kay Willie na si Nanay Cristy Fermin na hindi iiwan ng TV host ang GMA 7 dahil kaka-renew lang nito ng kontrata sa kanila para sa programa nitong “Wowowin: Tutok to Win”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Willie Revillame – Wowowin (@willrevillame)

“Last November (2021) siya pumirma. Lilipat na sila sa GMA studio sa Monday,” mensahe ni ‘nay Cristy sa amin nang tanungin namin kung iiwan na ng TV host ang Kapuso network at lilipat na sa Villar channel na ipinagkaloob ng National Telecommunications Commission o NTC ang frequency ng ABS-CBN.

Ang sagot ni ‘nay Cristy, “Hindi pa naman makapag-ere ang mga Villar, frequency lang ang nakuha nila.”

Hayun, maliwanag na hindi aalis ang WBR Productions sa GMA 7 na co-prod sa programang “Wowowin” at base rin sa pagkakaalam namin ay loyal si Willie sa mga taong naniniwala at loyal din sa kanya.

Hindi siya basta umaalis ng walang matinding dahilan dahil tumatanaw siya ng utang na loob sa mga taong nakatulong sa kanya noong nagsisimula siya at ngayon ay ibinabalik niya sa mga taong nangangailangan ang mga blessings na natatanggap niya.

 

Related Chika:
Willie umaming nalugi ng P140-M dahil sa ‘Wowowin’
Vhong isa sa mga artistang natulungan ni Willie; lamang-loob ng manok ang handa sa birthday

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending