Yeng napraning sa sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz; ipinakilala bilang global ambassador ng Academy of Rock | Bandera

Yeng napraning sa sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz; ipinakilala bilang global ambassador ng Academy of Rock

Ervin Santiago - March 05, 2023 - 07:32 AM

Yeng napraning sa sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz; muling ipinakilala bilang global ambassador ng Academy of Rock

Yan Asuncion at Yeng Constantino

TULAD ng ibang mag-asawa, dumaraan din sa mga problema at pagsubok ang celebrity couple na sina Yeng Constantino at Yan Asuncion.

Inamin ng Kapamilya singer na totoong inaatake rin siya ng anxiety sa walong taong pagsasama nila ni Yan, lalo na noong sunud-sunod ang nagaganap na hiwalayan sa showbiz kabilang na riyan sina Moira dela Torre at Jayson Marvin at Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Inamin ni Yeng na sumailalim sila ng asawa sa therapy, “Kailangan talaga yun. Individual kami, di kami puwede na magkasama. Work on yourself, I’ll work on myself, sa emotional well-being ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)


“Dati kasi ang taboo lang pag nagte-therapy. Individual, pero pareho kami ng therapist. ‘Love, hindi ko naiintindihan.’ ‘Magtanong ka nga para nare-resolve.’ Sobrang nakatulong,” ani Yeng sa mediacon ng Academy of Rock Ambassadorship launch last February 27 sa Academy of Rock Tomas Morato, Quezon City.

Dagdag pa niyang paliwanag, “Wala naman kasing masama, walang masama du’n. Do whatever it takes to help the relationship kasi magkaiba kayo ng personality.

“My husband is very quiet. Lagi kong complain, ‘Why don’t you express your love to me?’ Tapos ako naman maingay, verbal processor ako. Para ma-process ko ang thoughts ko dapat nagsasalita ako.

“Siyempre siya, napapagod din siya sa akin. Tapos ako naman, ‘Hey, i-affirm mo ako.’ Parang mahirap din yun, dapat tulungan nyo ang isa’t isa. Magkaiba talaga kayo, adjust, adjust,” dugtong pa ng Kapamilya singer.

At noong kasagsagan ng mga breakup news sa showbiz, “Nu’ng time na yun, ang anxiety ko ang taas. Sabi nga ni Yan, ‘Bakit parang ako ang may kasalanan? Bakit ka ganyan makatingin sa akin?'”

“Kasi, parang napapaisip ako. Parang tinanong nga sa akin sa Magandang Buhay, e, pa-seven years na kami nu’n. Naku, nakakakaba!

“Lagi akong on my toes baka kasi mangyari. ‘Ako, alam ko sa end ko na hindi. Paano kung ikaw?’ Tapos ang dami pang napapabalita, di ba, na ganu’n.

“Kaya nu’ng nag-eight years kami ni Yan, sabi ko sa kanya, ‘Love, salamat, eight years, lumagpas tayo.’ Nakahinga na ng maluwag nu’ng eight years na kami kasi tapos na yung seven-year curse. Okay na. Mas makaka-relax na ako,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cornerstone Entertainment Inc (@cornerstone)


Payo naman ni Yeng sa mga mag-asawa, “Kailangan talaga, napaka-cliché, communication saka compromise. Saka kapag yung isa mataas na, yung isa bababa rin ng kaunti. Wag sabayan, napakapraktikal ng payo na yun.

“Kapag nandu’n na yung isa, ikaw naman ang kumalma. Kalmahan mo lang din,” aniya pa.

Samantala, pumirma na ng kontrata ang singer-songwriter bilang pinakabagong Global Ambassadress ng The Academy of Rock (AOR).

Nakasama ni Yeng sa contract signing ang AOR President and Founder na si Prescila Teo, Cornerstone Entertainment Vice President Jeff Vadillo, AOR shareholders Jonathan Manalo, Rox Santos, Jacinto Gan Jr., at Benedict Mariategue.

Ang Academy of Rock ay isang sole music institution na committed sa pagtuturo ng rock at popular music with international certified teachers.

Sabi ni Yeng, “Masaya ako na maging ambassadress ng AOR once again. I look forward to collaborating with future projects with them, including music production, songwriting or even mentoring upcoming artists.”

“I feel excited to be an ambassadress of AOR @academyofrock once again, knowing that they are a premier music school in Singapore, Philippines and beyond. I am looking forward to collaborating with AOR with future projects that may include music production, songwriting or even mentorning upcoming artists.

“I believe in the power of music to enhance and enrich any person’s life and I know that it is also at the center of AOR’s heart and mission as they train new musicians, songwriters and music producers. I am so excited to be a part of this beautiful vision and I am honored to be an AOR Ambasadress,” aniya pa.

Enchong kinailangan pang sumabak sa ‘immersion’ kasama ang mga PWD bago mag-invest sa Academy Of Rock

Yan Asuncion relate much sa rebelasyon ni Ryan Bang tunkol kay Yeng: Natakot din akong manligaw sa kanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ryan nanghinayang sa kanila ni Yeng: Hindi ko napanindigan ‘yung nararamdaman ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending