Yan Asuncion relate much sa rebelasyon ni Ryan Bang tunkol kay Yeng: Natakot din akong manligaw sa kanya | Bandera

Yan Asuncion relate much sa rebelasyon ni Ryan Bang tunkol kay Yeng: Natakot din akong manligaw sa kanya

Ervin Santiago |March 28,2022
facebook
share this

Yan Asuncion relate much sa rebelasyon ni Ryan Bang tunkol kay Yeng: Natakot din akong manligaw sa kanya

Ervin Santiago - March 28, 2022 - 09:29 AM

Yeng Constantino, Yan Asuncion at Ryan Bang

Yeng Constantino, Yan Asuncion at Ryan Bang

RELATE much ang asawa ni Yeng Constantino na si Yan Asuncion sa pinagdaanan noon ni Ryan Bang sa panliligaw sa Kapamilya singer-actress.

Sa unang pagkakataon ay nagsalita nga si Yan hinggil sa pag-amin ni Ryan Bang sa isang episode ng “It’s Showtime” tungkol sa naging “past” nila ni Yeng.

Naging headline at talagang pinag-usapan ng madlang pipol ang  kuwento ni Yeng tungkol sa pangg-ghost ni Ryan sa kanya ilang taon na ang nakararaan.

Aniya, may pag-asa sana noon si Ryan sa kanya pero nagulat na lang siya nang biglang tumigil ang TV host-comedian sa panliligaw at hindi man lang daw nagpaliwanag.

Sey ni Yeng, na-hurt din siya sa nangyari dahil nagugustuhan na nga niya ang binatang Koreano.
Nagpaliwanag naman si Ryan kay Yeng on national television at inaming natakot at naduwag siya  dahil feeling niya ay wala na siyang pag-asa dahil marami ring nanliligaw kay Yeng nu’ng panahong yun.

“Nahihiya ako sa sarili ko na baka ‘di ako para sa ‘yo. ‘Yun ‘yung naramdaman ko. Kahit totoo ‘yung naramdaman ko sa ‘yo at minahal naman kita,” pahayag ni Ryan.

Kaya naman nang mag-guest sa “Magandang Buhay” sina Yan at Yeng ay nahingan ng reaksyon ang una kung ano ang naging reaksyon niya sa pag-amin ni Ryan sa “It’s Showtime.”

Sabi ni Yan, hindi raw siya nakaramdam ng selos nang mapaanood niya ang revelation ni Ryan, sa katunayan naka-relate pa nga siya sa pinagdaanan ni Ryan sa panliligaw sa kanyang asawa.

“Hindi ako nagulat. Pero natuwa talaga ako, kasi nakaka-relate din ako doon, eh. Kasi siyempre Yeng Constantino rin, so I kinda went through the same situation na parang nanliliit ka.

“So naka-empathize ako kay Ryan na parang, ‘Bro, I know what you’re feeling. Alam ko ‘yung naramdaman mo.’ Na-touch din ako sa story ni Ryan doon,” paliwanag ni Yan.

Aniya, tulad ni Ryan, inatake rin siya ng matinding kaba noong pinopornahan si Yeng dahil sa status at strong personality nito.

“Natatakot kasi ako noon, eh. Kasi siyempre, Yeng Constantino, eh. Tapos sino ba naman si Yan Asuncion? I didn’t know what to expect nung first date namin.

“Medyo may wall siya, eh, careful siya. Parang bakit mo ako ina-ask out? Bakit mo ‘ko ini-invite? Bakit tayo magkakape? So she came off as very strong,” pahayag ni Yan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)

Seven years nang nagsasama as a married couple sina Yeng at Yan at nito lamang Pebrero ay ipinagdiwang nga nila ang kanilang 7th wedding anniversary.

Ang hinihintay na lang ngayon ng kanilang mga kapamilya ay kaibigan ay ang pagbubuntis ni Yeng sa panganay nila ni Yan.

Ryan nanghinayang sa kanila ni Yeng: Hindi ko napanindigan ‘yung nararamdaman ko

Yeng Constantino, Ryan Bang muntik nang maging mag-dyowa: Bigla na lang siyang nawala!

Yeng Constantino excited sa ipinatatayong bagong bahay sa Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending