Ryan nanghinayang sa kanila ni Yeng: Hindi ko napanindigan 'yung nararamdaman ko Bandera

Ryan nanghinayang sa kanila ni Yeng: Hindi ko napanindigan ‘yung nararamdaman ko

Therese Arceo |January 29,2022
share this

Ryan nanghinayang sa kanila ni Yeng: Hindi ko napanindigan ‘yung nararamdaman ko

Therese Arceo January 29, 2022 - 10:25 PM

Ryan nanghinayang sa kanila ni Yeng: Hindi ko napanindigan 'yung nararamdaman ko

MATAPOS ang nakakalokang rebelasyon nina Ryan Bang at Yeng Constantino ay muling nagharap ang dalawa sa Tawag ng Tanghalan ng “It’s Showtime”.

Kahapon, January 28, nakapag-usap nang masinsinan ang dalawa tungkol sa kanilang naudlot na “love story” na nangyari ilang taon na ang nakararaan.

Ayon sa kwento ni Ryan, nanligaw siya kay Yeng noon ngunit tumigil rin dahil inakala niya ay walang gusto sa kanya ang singer pero ang totoo ay mutual naman ang kanilang nararamdaman.

Sa muling pagkikita ng dalawa sa segment ng “It’s Showtime” ay inusisa ni Vice kung ano ang pakiramdam ng dalawa matapos nilang mag-trending sa social media.

Pag-amin ni Ryan, hindi daw siya nakatulog matapos ang kanilang revelation.

“Pumapasok sa utak ko, maraming what ifs. Kasi for 12 years na akala ko wala akong pag-asa, akala ko ayaw mo sa akin, kaya ako naduwag sa sarili ko , kaya hindi ko tinuloy. Hindi ko napanindigan ‘yung naramdaman ko sa ‘yo kasi natakot rin ako sa sarili ko,” umpisa ni Ryan.

Noong mga panahon raw kasi ng panliligaw niya kay Yeng ay akala niya maraming nanliligaw sa dalaga at wala siyang pag-asa.

“Kung hindi ako naduwag noon, kung pinush ko ‘yung naramdaman ko sa ‘yo, baka hanggang ngayon tayo pa rin. Hindi natin alam e.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)

Amin pa ni Ryan, nahihiya rin siya dahil wala pa siyang pera noong mga panahon na ‘yun.

“Minamaliit ko ‘yung sarili ko kasi noong mga panahon na ‘yun, wala akong kotse. Nagdi-date kami, sumasakay pa ako sa ‘yo noon. Tapos ‘yung kumakin tayo, kasama ‘yung kuya mo, pinsan mo, gusto ko talaga manlibre sa pamilya mo, e wala ako talaga pera noon. Parang minamaliit ko sarili ko,” pagpapatuloy pa ni Ryan.

Sa side naman ni Yeng, inakala niya na naaartehan na si Ryan sa kanya kaya ito nawala.

“Galing kasi ako sa conservative na family. Parang ‘Wag kang paparty sa labas’, ‘Kapag gabi huwag kang lalabas’. So parang feeling ko napagod na si Ryan sa kakaantay.”

Nagpasalamat naman si Vice Ganda bilang nanay-nanayan ni Ryan dahil nakita niyang sineryoso ng singer ang binata.

Nilinaw rin ni Yeng ang kumakalat na chika na si Ryan ang tinutukoy sa kanyang kantang “Chinito”.

“Ang chinito, sumulat ay lalaki… Chinita ‘yan dati tapos narinig ko. Sabi ko, ‘Ang ganda nung kanta. Gusto kong kantahin’.

“Pero may isang song na medyo pinaghugutan talaga ng mga pinagdaanan namin. Yung song ko na B.A.B.A.Y,” bahagi ni Yeng.

Kinanta pa ni Yeng ang kanyang “hugot” song para kay Ryan.

Masaya naman si Yeng na finally narinig na niya ang side ng binata dahil aminado ang singer na may awkwardness noon sa tuwing magkakasalubong sila ng binata.

“Gusto ko rin i-take ‘tong opportunity na ‘to, Ryan, na sabihin sa ‘yo na salamat. Kasi sa short period of time na pinaramdam mo sa akin na importante ako, nung time na ‘yun, sobrang nag-matter ‘yun sa akin. And what I want us to take from this experience is ‘yung saya na naidulot natin sa isa’t isa nung time na ‘yun.

Dagdag pa niya, sobrang swerte ng taong makakatuluyan ni Ryan.

“Ako na-experience ko kung paano ka magpa-feel ng special. ‘Yung effort mo, ‘yung pagtyatyaga mo.

“Ang mapapayo ko lang sa ‘yo, ‘wag kang mahihiya… Meron kang ibang klaseng kagwapuhan as a guy. And ‘yung thing na nagustuhan ko sa ‘yo nung time na ‘yun is ‘yung lakas ng loob mo… huwag kant mawalan ng confidence. Gwapo ka kaya! Ano ba?!” dagdag pa ni Yeng.

 

Related Chika:
Yeng Constantino, Ryan Bang muntik nang maging mag-dyowa: Bigla na lang siyang nawala!

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending