Yeng Constantino, Ryan Bang muntik nang maging mag-dyowa: Bigla na lang siyang nawala! | Bandera

Yeng Constantino, Ryan Bang muntik nang maging mag-dyowa: Bigla na lang siyang nawala!

Therese Arceo |January 29,2022
facebook
share this

Yeng Constantino, Ryan Bang muntik nang maging mag-dyowa: Bigla na lang siyang nawala!

Therese Arceo - January 29, 2022 - 03:19 PM

Yeng Constantino, Ryan Bang muntik nang maging mag-dyowa: Bigla na lang siyang nawala!
ISANG malaking rebelasyon ang nangyari sa noontime show na “It’s Showtime” tungkol sa namagitan kina Ryan Bang at Yeng Constantino.

Tila nagkagulatan ang dalawa dahil matapos ang ilang taon ay ngayon lang sila nagkaaminan kung ano ang tunay na nangyari sa kanilang naudlot na pagtitinginan sampung taon ang nakararaan.

Isa si Yeng sa mga hurado sa segment ng show na “Tawag ng Tanghalan” at nakatakda siyang magbigay ng komento sa naging performance ng isang contestant.

Dito nga nagsimula ang hindi inaasahang rebelasyon ukol sa dalawa.

“Minsan kahit hindi mo nga naging jowa, basta nagparamdam na sa ‘yo tapos biglang nawala, naku, napakasakit talaga. Di ba, Ryan?” saad ni Yeng na natatawa.

Kita naman ang pgkagulat sa mukha ni Ryan sa sinabi ng singer sa kanya.

Tila na-curious naman si Vice sa nangyari kaya tinanong niya ang anak-anakan kung ano ang nangyari sa kanila ni Yeng.

“Unang crush ko kasi si Yeng. 2010 ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” pagbabahagi ni Ryan.

Nilinaw naman ng singer na hindi naman niya ni-reject ang “It’s Showtime” host.

“Hindi kita binasted! Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape,” saad ni Yeng.

Aminado naman ang singer na nasaktan siya sa biglang pagkawala ni Ryan.

“Siyempre ngayon, iba na, may asawa na ako. Pero noong time na ‘yun, kilig na kilig talaga ako sa kaniya.” pagbabahagi pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by It’s Showtime (@itsshowtimena)

Kuwento naman ni Ryan, inakala niya na hindi siya gusto ng singer kaya siya tumigil na magparamdam.

“Tuwing Thursday yata noon sa ‘PBB’ (Pinoy Big Brother), may taping ka, nagpapadala ako ng kape. Tapos nagsimba pa tayo together tuwing Linggo. Bago ko nakilala si Yeng, hindi ako nagsisimba, e.

“Akala ko, ayaw mo sa akin kasi noong panahon na ‘yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Siyempre lumalabas ako tuwing gabi. Inaaya ko siya, ilang beses. Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas, kaya akala ko ayaw niya sa akin,” sey ni Ryan.

Hindi kasi pala-party si Yeng kaya hindi siya sumasama sa mga labas nina Ryan.

Inakala rin ng binata na may “something” sina Yeng at Richard Poon noon.

“Tapos, sumasama ka kay Richard Poon, ‘yun pala, prayer meeting iyon sa Tagaytay. Akala ko nag-outing kayo. Akala ko, ayaw mo sa akin.”

Humingi naman ng tawad si Ryan sa ginawa niya noon sa singer.

“Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa ‘yo,” he said. “Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko ‘yon. Ikaw ‘yung pinaka unang-unang crush ko sa buong buhay ko, ikaw ‘yun.” sabi ni Ryan.

Tinanggap naman ng singer ang apology ng Showtime host sabay sabing, “Feeling ko, suwerte ng magiging jowa nito kasi napakalambing talaga.”

Sa Twitter account naman ng “It’s Showtime” ay may video ng pag-uusap nina Ryan at Yeng habang may commercial break.

Nilapitan ni Ryan ang singer at niyakap.

“Okay na ako siyempre may asawa na ako. At least, ito, may closure na tayo,” saad ni Yeng.

Related Chika:
Hugot ni Yeng: Lagi kong tinatanong noong bata ako, ‘Mahal ba talaga ako ni Mama?’
Ryan Bang tuloy ang sustento sa inang Koreana kahit may pandemya; 3 Thai actor sanib-pwersa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending