Hugot ni Yeng: Lagi kong tinatanong noong bata ako, ‘Mahal ba talaga ako ni Mama?' | Bandera

Hugot ni Yeng: Lagi kong tinatanong noong bata ako, ‘Mahal ba talaga ako ni Mama?’

Ervin Santiago - November 29, 2021 - 01:22 PM

Yeng Constantino

TINAMAAN din ng killer virus na COVID-19 ang mag-asawang Yeng Constantino at Yan Asuncion.

At habang nakikipaglaban sa  nakamamatay na sakit, isa pang pagsubok ang dumating sa kanilang pamilya — ang pagkamatay ng kanyang ina.

Ito nga ang isa sa mga dahilan kung bakit mahigit dalawang buwang hindi nakagawa si Yeng ng mga bagong content para sa kanyang YouTube channel.

Nitong nagdaang Biyernes, muling nag-upload ang Kapamilya singer-actress ng bagong vlog sa YT kung saan ibinahagi niya ang aniya’y “most painful and difficult moment” sa buhay niya.

Sa unang bahagi ng video, nabanggit nga ni Yeng na nahawa sila ng kanyang mister ng COVID-19 ngunit hindi niya sinabi kung saan nila ito posibleng nakuha.

“Nu’ng una, I was just taking it easy kasi ayaw kong i-stress yung sarili ko. Baka lalong lumala yung sakit,” simulang kuwento ng singer at songwriter.

“Generally, malakas naman talaga yung loob ko. ‘Hindi. Kailangan ko lang hintayin to ng dalawang linggo and after this, mas mayroon na akong immune system against COVID,’” aniya pa.

“Pero habang lumilipas ang mga araw at nagkakaroon ako ng ibang symptoms, nawalan ako ng pang-amoy, yung panlasa ko pumutla.

“Doon mas nag-sink sa akin na may COVID nga ako. The scariest part for me is yung nagsimula na akong mahirapang huminga,” pag-alala pa ni Yeng.

View this post on Instagram

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)


At habang nagpapagaling nga sila ni Yan, bigla siyang nakatanggap ng isa pang malungkot na balita mula sa kanyang tatay.

“Nu’ng na-experience ko lahat ng yun, my mom passed away. Habang natutulog kami ni Yan, isang madaling araw, nag-ring yung phone. 

“Yung tatay ko, nasa kabilang end. That was September 23, ng mga 5 a.m. Hindi ko pa narinig yung boses ng tatay ko na ganun kalungkot. Binalita niya sa amin na wala na si Mama,” lahad ng Kapamilya star.

Aniya, ilang taon na ring nakikipaglaban sa kanyang health condition ang ina ngunit ngayong 2021 daw ay lumala pa ito.

“Habang tumatanda siya, lalong nagkakaroon ng more complications yung sakit niya. This year talaga, mas naging obvious yung mga complications na yun,” sabi pa niya.

Naibahagi rin ni Yeng sa madlang pipol ang kakaibang pagpapalaki at walang katumbas na pagmamahal sa kanya ng ina. 

“To me, yung love ng nanay ko for me is trust. Lagi kong kinukuwestiyon yun nu’ng bata ako, ‘Mahal ba talaga ako ni Mama?’ Kasi sobrang sungit niya sa akin.

“Tapos parang matanda niya akong itrato kahit bunso ako. Pero kaya pala ganu’n yung nanay ko sa akin, sabi ni Papa, kasi tiwala daw siya sa akin,” pahayag pa ni Yeng.

Ipinagdiinan din ng award-winning singer at composer na kahit pumanaw na ang nanay niya ay habangbuhay pa rin itong mananatili sa kanyang puso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/293959/yeng-constantino-nagluluksa-paalam-mama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending