Paolo Contis nahuli ang ex-girlfriend na nagloloko: Nag-alibi sa picture, ayun nalaos | Bandera

Paolo Contis nahuli ang ex-girlfriend na nagloloko: Nag-alibi sa picture, ayun nalaos

Therese Arceo |March 03,2023
facebook
share this

Paolo Contis nahuli ang ex-girlfriend na nagloloko: Nag-alibi sa picture, ayun nalaos

Therese Arceo - March 03, 2023 - 10:57 PM

Paolo Contis nahuli ang ex-girlfriend na nagloloko: Nag-alibi sa picture, ayun nalaos
NAIKUWENTO ng Kapuso actor na si Paolo Contis kung paano niya nahuli ang dating dyowa na nagtaksil sa kanya.

Ito ay naibihagi niya habang nagkukwentuhan sila ni Kokoy De Santos sa “Just In”, online show ng GMA Sparkle na mapapanood sa Facebook at YouTube.

Si Paolo ang host ng show at sina Kokoy at Royce Cabrera naman ang kanyang mga celebrity guests.

Napagkuwentuhan kasi ng tatlo kung paano nabaliw noon sa love si Kokoy sa edad na 18.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Aniya, tumagal pa raw ng dalawang taon ang relasyon nila kahit long distance relationship o LDR sila. Dito nga raw umikot ang mundo ng aktor hanggang dumating ang panahong nalaman niyang nagloloko pala ito at may ibang lalaking kausap sa cellphone.

Tila naka-relate naman si Paolo sa nangyari kay Kokoy dahil naloko na rin daw siya noon ng dating dyowa.

“Nangyari sa akin iyan. Nagbakasyon yung isa sa mga girlfriend ko dati, tapos umuwi.

“Nagpadala ngayon ng photo album yung lalaki, parang regalo.

“Pagbukas ko, hindi siguro alam ng lalaki na ako yung magre-recieve ng package, pagbukas ko pu*tc*a puro pictures nila na ano…sunset, naghahalikan,” saad ni Paolo.

Sumubok pa nga raw lumusot ang ex niya at sinabing photographer daw ito.

“‘Anong photographer? Kayong dalawa yung nasa picture, photographer siya?! Nag-alibi sa picture, ayun nalaos,” napamura pang sabi ni Paolo.

Well, base sa pahayag ng aktor ay artista rin ang tinutukoy niyang ex sa kwento dahil sa term na ginamit nitong “nalaos”.

Kung babalikan, nasa lima ang mga nakarelasyon ni Paolo na artista. Ito ay sina Desiree del Valle, Nancy Castiglione, Isabel Oli, Lian Paz, at LJ Reyes.

Sa ngayon ay pawang masasaya na sa kanilang buhay ang mga ex ni Paolo at nay kanya-kanya na rin pamilya. Si LJ naman ay masaya na rin sa buhay nila sa Amerika kasama ang dalawang anak na si Aki at Summer.

Sa ngayon, happy rin naman ang Kapuso actor kasama ang current girlfriend na si Yen Santos.

Related Chika:
Paolo Contis sa ‘real score’ kay Yen Santos: What you see is what you get…

Paolo Contis sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: ‘Bakit ako magso-sorry sa tao? Wala naman silang kinalaman sa mga nangyari’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paolo Contis ‘bugbog sarado’ sa social media, fans ni Kathryn Bernardo gigil na gigil

Paolo Contis aminadong hindi nagbibigay sustento sa mga anak: I had my reasons

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending