Ilang bigating international artists tampok sa ‘Wanderland Festival’ sa Marso
MULING nagbabalik sa bansa ang isa sa pinakamalaki at inaabangang music and arts festival ng Pilipinas – ang “Wanderland Festival.”
Para sa mga hindi masyadong aware, ang nasabing music festival ay isang taunang selebrasyon para sa music fans na kung saan ay nagsasama-sama sa Pilipinas ang music artists mula sa iba’t-ibang bansa.
Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic, nakansela ang nasabing event ng halos tatlong taon.
At bilang “comeback” ngayong taon ay pinuno ng bigating music artists ang inihandang lineup sa two-day event.
Kahit nga ang presidente at CEO ng Karpos Multimedia Inc., ang nag-organize ng event ay excited na sa mga pasabog na performances.
Sey niya, “The Wanderland team is absolutely thrilled for the comeback and we can’t wait to bring the Wanderland experience back to the community. It’s game time, Wanderers!”
Isa sa mga mangunguna sa music festival ay ang pop superstar na si Carly Rae Jepsen.
May performance din ang OPM rock icon na si Rico Blanco, ang singer na si Ylona Garcia, pati na rin ang artists na sina Dashboard Confessional, iKON’s Bobby, Sunset Rollercoaster, Stephen Day, HYBS, Leo Wang, at marami pang iba.
Mangyayari ang “Wanderland Festival” sa darating na March 4 at 5 sa Filinvest City Events Grounds sa Alabang.
Para sa presyo ng tickets, bisitahin lamang ang kanilang website na www.wanderlandfestival.com.
Related chika:
Bagong collab ng Ben&Ben at SB19 matindi ang ipinaglalaban: Huwag n’yong tapakan ang katarungan!
Shooting ng ‘Voltes V: Legacy’ sisimulan na; Direk Mark ipinasilip ang set ng Camp Big Falcon
Nagbabalik na aktor tumakas sa lock-in taping, todo deny kahit huli sa CCTV
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.