Nagbabalik na aktor tumakas sa lock-in taping, todo deny kahit huli sa CCTV | Bandera

Nagbabalik na aktor tumakas sa lock-in taping, todo deny kahit huli sa CCTV

Reggee Bonoan |November 02,2021
facebook
share this

Nagbabalik na aktor tumakas sa lock-in taping, todo deny kahit huli sa CCTV

Reggee Bonoan - November 02, 2021 - 06:16 PM

AWARE kaya ang mga artistang nasa lock-in taping/shooting na nagkalat ang CCTV cameras sa venue kung saan sila naka-check in?

Ito kasing si nagbabalik na aktor ay nakipagtalo sa production head at safety officer sa isang teleserye kung saan siya kasama na hindi siya umaalis ng venue kung saan sila naka check-in.

Hindi pa kasi kukunan ang nagbabalik na aktor, sa 3rd day pa kasi siya makukunan pero kailangan ay nasa venue na siya at bawal nang lumabas para nga naman sa safety ng lahat dahil dumaan na silang lahat sa RT-PCR test.

Nagpaalam ang nagbabalik na aktor kung puwede siyang umalis sandali tutal hindi pa naman siya kukunan siyempre hindi siya pinayagan dahil nga sa health protocols na ipinatutupad ng IATF.

At dahil malaki ang venue kung saan naka check-in ang mga artista ay nakalusot si aktor.

Pansin ng mga taga-prod na hindi lumalabas ang nagbabalik na aktor o wala man lang ino-order na pagkain. Inisip na lang nila na baka marami siyang baong food since may personal refrigerator naman sa bawat rooms at puwedeng magdala rin ng sariling microwave at oven toaster, at kung may dala silang portable butane gas stove ay dapat sa labas ng kuwarto sila magluto.

Pero sa loob ng dalawang araw ay walang paramdam ang nagbabalik na aktor kaya sinubukan ng mga taga-production na pakiramdaman ang kuwarto pero wala silang naririnig na sounds o galaw sa loob ng kuwarto pero bukas ang aircon.

Heto na, sinilip ang CCTV camera, bingo! Huling-huli na umalis ito sa venue.

Sa mismong araw na kukunan na ng eksena ay nagpakita na si nagbabalik na aktor sa set pero pinigilan na siya ng boss ng production at ng safety officer dahil lumabas daw siya ng venue at labag daw iyon sa health protocol.

Mariing itinanggi ito ng nagbabalik na aktor at sinabing hindi raw totoo. Sa katunayan ay nagjo-jogging at biking lang siya sa paligid ng venue since sobrang lawak naman talaga kung saan naka check-in ang mga artista na puwedeng hindi magkakitaan.

Nakipagtalo ang nagbabalik na aktor to the max, uminit ang ulo at kung anu-ano pa ang pinagsasabi, sa bwisit ng boss ng production at safety officer ay ipinakita ang kuha ng CCTV camera, ending hindi siya nakakibo at nag-alsa balutan na.

Tinanong namin kung anong nangyari sa mga eksena niyang dapat kunan.

“Dinaya na lang, hindi rin naman siya ang bida tsaka parang guest role lang din naman siya,” tsika ng mismong taga-production.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakaloka itong si nagbabalik na aktor, hindi na nga siya masyadong kinukuha sa projects dahil nga sa attitude niyang may pagka-diva hindi pa rin nagbabago? Isip siguro nito dahil tsika niya ang direktor at producer ng serye kaya chill lang siya?

Iba pang Chika:
AJ Raval nagbabalik social media matapos magtanggal ng posts sa Instagram
Dingdong hindi basta-basta tumatanggap ng trabaho sa labas: Safety first pa rin ng pamilya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending