Ate Guy umaming nabaliw-baliw kay Tirso, 5 lalaki ang pinagsabay-sabay noon: 'Yung iba naman fling-fling lang' | Bandera

Ate Guy umaming nabaliw-baliw kay Tirso, 5 lalaki ang pinagsabay-sabay noon: ‘Yung iba naman fling-fling lang’

Ervin Santiago |February 22,2023
facebook
share this

Ate Guy umaming nabaliw-baliw kay Tirso, 5 lalaki ang pinagsabay-sabay noon: ‘Yung iba naman fling-fling lang’

Ervin Santiago - February 22, 2023 - 06:29 AM

Ate Guy umaming nabaliw-baliw kay Tirso, 5 lalaki ang pinagsabay-sabay noon: 'Yung iba naman fling-fling lang'

Nora Aunor at Tirso Cruz III

NAGBALIW-BALIWAN din sa pag-ibig at pakikipagrelasyon ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor noong kanyang kabataan.

Yan ang ginawang pag-amin ni Ate Guy patungkol sa makulay, madrama at maintrigang lovelife niya ilang dekada na ngayon ang nakararaan.

Sa pagsabak niya sa “Fast Talk” kasama si Boy Abunda kamakalawa, February 20, ay si Tirso Cruz III ang pinili niya at hindi ang dating asawang si Christopher de Leon.

Sina Boyet at Pip ang dalawa sa pinakasikat na naging ka-loveteam noon ni Ate Guy sa kanyang mga pelikula na talaga namang tumabo nang bonggang-bongga sa takilya.

Inamin ni Nora na matindi ang pagmamahal niya noon kay Tirso at hanggang ngayon daw ay may nararamdaman pa rin siyang “something” sa veteran actor.

Aniya, “Masarap umibig, kaya nga lang, katulad nung mga nangyari sa akin, yung pag-ibig hindi kinakailangan isama o ipantay sa trabaho kasi nagsa-suffer yung trabaho.

“Pero masarap umibig kahit hindi ka niya pinapansin o alam mo na hindi ka niya totoong love. Pero sa yo, ikaw, yung puso mo para sa kanya, masaya na ako,” lahad pa niya.

Hirit na tanong ni Tito Boy, “Mahal na mahal mo pero hindi ka sinusuklian?” Na sinagot ni Ate Guy, ng “Oo. Alam niyo naman kung sino at hindi ko itinatago yon. Alam ng mga fans yon. Ang sa akin, inisip ko noon na parang, ‘Ano ito, dahil sa mga fans? Nadadala ka lang?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nora Aunor Official (@noravillamayor67)


“Kasi minsan, nararamdaman mo, pero minsan hindi mo nararamdaman.

“May mga insidenteng naririnig ka na mismo sa kanya nanggagaling ang salita na nakakasakit ng puso pero balewala yon dahil ikaw ay taong umiibig. Minahal mo talaga,” sabi pa ni Nora.

Pero agad niyang nilinaw ang kanyang sinabi, “Nu’ng araw yon, wala pa si Papa Boyet noon.”

Rebelasyon pa ni Ate Guy, may mga pagkakataon daw na naiisip niya — paano kung magkaroon ng second chance ang kanilang relasyon?

“Eleven years yon, 12 years yon na on and off. Nu’ng huling nagkita kami… sasabihin ko ba? Baka magalit sa akin, e. Basta ang alam ko, darating ang panahon na baka gustuhin man ng Diyos, e, baka kami.”

“Hindi, hindi. Grabe, hanggang ngayon, nandoon pa rin, ha? Pero ano na hindi na masyado pero nandoon pa rin. May kanya-kanya nang pamilya so hindi na. Tahimik na. Masaya na rin ako ngayon,” pahayag pa ng Superstar.

At sa tanong kung naranasan din ba niyang magpakabaliw sa pag-ibig, “Sobrang baliw! Sobrang baliw! Kapag nag-aaway kami…sorry Pipo, pero ikukuwento ko lang kay Kuya Boy.

“Kapag nag-aaway kami, ay, iinom ako noon. Tapos pupunta ako sa bahay niya. Hindi ako papapasukin. Patatahulan ako du’n sa aso.

“Pero hanggang magdamag yon, nandoon ako sa labas. Iyak daw ako (nang iyak). Nandoon ako sa labas, tapos makikita ko yung fans nagdadatingan.

“Mabuti hindi ako nakikita kasi dumadausos ako sa loob ng sasakyan…sa sobrang pagmamahal,” pagbabalik-tanaw ni Nora.

Samantala, diretsahan ding nabanggit ni Nora na limang lalaki ang pinagsabay-sabay niya noon, “Lima, yung iba naman fling-fling lang pero meron ka talagang tunay, may tunay talaga! Ha-hahahaha!”

Bukod kina Tirso at Boyet, na-link din noon si Ate Guy kina Richard Merk, John Rendez, at dating Pangulong Joseph Estrada.

Barbie Forteza shookt nang makaeksena si Tirso Cruz III; ‘Maria Clara At Ibarra’ ng GMA 7 trending agad

Maja nagduda pa kung goodbye na nga ang ‘Probinsyano’ ni Coco: Sure ba talagang matatapos na?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tirso Cruz III pormal nang naupo sa pwesto bilang FDCP chairman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending