Maja nagduda pa kung goodbye na nga ang 'Probinsyano' ni Coco: Sure ba talagang matatapos na? | Bandera

Maja nagduda pa kung goodbye na nga ang ‘Probinsyano’ ni Coco: Sure ba talagang matatapos na?

Ervin Santiago |August 09,2022
facebook
share this

Maja nagduda pa kung goodbye na nga ang ‘Probinsyano’ ni Coco: Sure ba talagang matatapos na?

Ervin Santiago - August 09, 2022 - 02:37 PM

Coco Martin at Maja Salvador

NAKATATAK na rin sa showbiz career ng TV host-actress na si Maja Salvador ang pagiging leading lady ni Coco Martin sa action-drama series ng ABS-CBN na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Ginampanan ng dalaga sa hit Kapamilya serye ang karakter ni Glenda Corpuz, isang pulis na naging kaibigan ng role ni Coco bilang si Cardo Dalisay.

Sa nalalapit na “pambansang pagtatapos” ng “FPJ’s Ang Probinsyano”, nagbigay ng mensahe si Maja para sa mga milyun-milyong sumubaybay sa programa pati na rin kay Coco.

“Sure ba parang matatapos ba talaga? Siyempre parang naging habit na ng mga Pinoy na every day, every night may ‘Ang Probinsyano.’ Naging parte na talaga ng buhay nila. Ngayon na matatapos na I’m sure maraming malulungkot,” ang pahayag ng aktres sa video na inilabas ng Dreamscape Entertainment.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MAJA (@maja)


Aniya pa, “In fairness naman kasi sa ‘Ang Probinsyano,’ episodic naman kasi at saka ang daming mga bagong characters na pumapasok at lahat naman ‘yon parang ang gaganda nang nagiging resulta ng kuwento ng bawat characters na ipinapasok.”

Ito naman ang kanyang message para sa Teleserye King, “Co, congratulations! Grabe ‘yung naging journey mo. Kitang-kita naman kung gaano ka ka-passionate sa mga project na ginagawa mo at nakikita naman ‘yon ng lahat.

“Kaya congratulations dahil nakagawa ka ng isang napakaganda, napakatinding teleserye at talagang hindi makakalimutan ng bawat Filipino,” dagdag pa ng dalaga.

Taong 2016 nang mag-goodbye ang karakter ni Maja sa serye at todo rin ang pasasalamat niya sa buong production ng programa na magtatapos na nga sa darating na Biyernes.

“Maraming-maraming salamat po dahil until now ay walang sawa kayong sumuporta sa ‘Ang Probinsyano.’

“At kahit saglit lang po ako, maraming-maraming salamat dahil hindi niyo nalilimutan si Glen Corpuz at ako rin po never kong makakalimutan ang character na ‘yon dahil sobrang naging espesyal din ang karakter na ‘yon sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mga Kapamilya, mga Kapatid, mga ka-A2Z, huwag na huwag niyo pong palalagpasin ang ‘pambansang pagtatapos ng ‘Ang Probinsyano’ malapit na malapit na,” paanyaya pa ni Maja.

Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo

Tita ni Maja na nagpa-kidney transplant at gumaling sa cancer, namatay dahil sa COVID

Coco nagparamdam kay Maja: Sobrang ganda at sexy niya ngayon, tapos walang boyfriend!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending