Cristy Fermin sinabihan si Willie na mag-sorry kina Ogie Diaz at Gab Valenciano: Ang paghingi ng tawad ay dapat pakete
MUKHANG hindi sapat sa kolumnistang si Cristy Fermin na sa kanya lang humingi ng tawad ang TV host-comedian nasi Willie Revillame.
Sinabihan kasi niya ang “Wowowin” host na dapat ay mag-sorry rin ito kina Ogie Diaz at Gab Valenciano na sinumbatan ni Willie on national TV.
Sa kanyang episode ng “Cristy Ferminute” ay pinasalamatan niya ang host sa paghingi ng tawad sa kanya matapos siyang sumbatan nito ng ibinigay niyang condominium unit at brand new car noon.
Pero para sa kanya, dapat rin siyang humingi ng tawad sa iba pang mga taong nasaktan at sinumbatan niya sa kanyang mga naunang pahayag.
Pinangalanan kasi ni Nanay Cristy ang mga personalidad na tinutukoy ni Willie sa kanyang pahayag na diumano’y natulungan niya noon.
Matatandaang sinabi ni Willie na may isang reporter na tumakbong konsehal noon na binigyan raw niya ng P50,000 pero ngayon ay tinitira siya. At mayroon rin daw celebrity na magaling sumayaw na kanyang tinulungan noong ikinasal ito kung saan ipinagamit niya ang kanyang bahay sa Tagaytay.
“Ang paghingi ng tawad ay dapat pakete… marami kang sinaktang tao… si Ogie diaz na na binigyan mo ng singkuwenta mil nang tumakbo siya bilang konsehal na sabi mo nga ay natalo… nung mga panahong iyon Willie kung naaalala mo pa hindi ka pa masyadong malaking malaking artista… isa si Ogie Diaz sa mapaninindigan ko na tumulong sa iyo ng pagkalaki-laki kaya ‘yung singkuwenta mil na isinumbat mo sa kanya,… kulang pa yun,” saad ni Nanay Cristy.
Pagpapatuloy niya, “At may nagtatanong sa akin sino ba yung celebrity na nakitulog pa iyo ang magulang… pinangalanan mo na lang sana na ang tinutukoy mo ay si Gab Valenciano na anak ni Gary at Angelie na ginamit ang bahay mo sa Tagaytay.”
Sinabihan nga niya itong dapat lang ay humingi ito ng patawad sa dalawang personalidad dahil sa mga sinabi nito.
Sey ni Nanay Cristy, “Sana lahat ng mga taong nasaktan mo lapitan mo na rin humingi ka na rin ng pasensya o tawad sa kanila… ang puso ko, ang puso ni Ogie, ang puso ni Gab Valenciano iisang hulma lang yan hindi magkakaiba, iisang suntok lang ang puso naming lahat.
“Lahat kami nasaktan. Sana iyong gamot na inilapat mo sa puso ko, iyon din ang ilagay mong gamot kina Gab at kay Ogie Diaz.”
Nilinaw rin ni Nanay Cristy ang sinabi ni Willi na tinulungan at binigyan niya ng P10,000 monthly ang mga reporters noong pandemya.
“Ako na po ang magkokorek…hindi po totoo ang kanyang sinabi na sa loob ng 2 taon na umiiral ang pandemya ay nagpapadala siya ng sampung libo sa mga reporters…
“Isa pong malaking kalokohan yon… alam na alam ko po… at hindi po yan tumagal ng isang taon, mga ilang buwan lang po yan,” lahad ni Cristy.
Malaki naman aniya ang naitulong ng mga reporters kay Willie.
Ngunit sinabi naman niya na sa kabila nito ay malaki ang naitulong sa kanya ng mga reporters.
View this post on Instagram
“Lumagay po tayo sa tama pinagmumukha naman kasi na ang mga reporters ay hindi kakain nung pandemya kung hindi magbibigay ng sampung libo raw itong si Willie Revillame… pero kuwento nya yun siya ang bida… ako na ang nagsasabi hindi po totoo yun,” dagdag pa ni Nanay Cristy.
Sinabi rin niya na hindi naman totoo na wala siyang natatanggap na pasasalamat mula sa mga natulungang reporters.
“Wag mong gawing sinungaling ang mga manunulat … sa bawat text nila sa akin ng pasasalamat ipinararating ko sa iyo at sabi mo naman: hehehe ok lang… hehehe wowowin,” chika pa ni Nanay Cristy.
Sey pa niya, hindi na raw dapat gatungan pa ng mga taong nakapaligid sa kanya ang galit nito kung talagang nagmamalasakit ang mga ito sa kanilang boss at sa halip ay pagsabihan ito sa ginagawang pagsasalita at panunumbat sa mga taong tinulungan.
Related Chika:
Willie sumabog na: ‘Hindi na ako matatakot sa inyo! Laban na kung laban… masyado n’yo na akong inaapi at sinasaktan!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.