Ate Guy natakot nang talakan ni Gina Alajar ang kaeksenang youngstar: 'Late ka na nga, hindi mo pa makuha ang eksena mo!' | Bandera

Ate Guy natakot nang talakan ni Gina Alajar ang kaeksenang youngstar: ‘Late ka na nga, hindi mo pa makuha ang eksena mo!’

Ervin Santiago |February 09,2023
facebook
share this

Ate Guy natakot nang talakan ni Gina Alajar ang kaeksenang youngstar: ‘Late ka na nga, hindi mo pa makuha ang eksena mo!’

Ervin Santiago - February 09, 2023 - 07:49 AM

Ate Guy natakot nang talakan ni Gina Alajar ang kaeksenang youngstar: 'Late ka na nga, hindi mo pa makuha ang eksena mo!'

Nora Aunor at Gina Alajar

SINO nga kaya ang youngstar na tinutukoy ng Superstar na si Nora Aunor na napagalitan at natalakan ni Gina Alajar nang bonggang-bongga!?

Kuwento ni Ate Guy, nangyari raw ito sa taping ng isang teleserye na pinagsamahan nila ni Gina ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Talaga raw natakot siya nang bigla na lang sumigaw si Direk Gina habang kinukunan ang isang eksena niya sa Kapuso drama series na “Onanay.”

Tinanong namin kasi sina Ate Guy at Direk Gina sa story conference ng bago nilang pelikula, ang “Pieta” kasama si Councilor Alfred Vargas, kung may mga na-experience na silang mga pasaway na artista.

“Ang naalala ko kasi, noong Onanay namin, ‘di syempre, magte-take na kami niyan,” simulang pagbabahagi ng Superstar.

“E, yung isang kasama naming artista hindi nakuha yung pinapagawa na akting ni Direk.

“Tapos, sumigaw siya talaga! Natakot ako! Sabi niya, ‘Late ka na nga, hindi mo pa makuha-kuha ang mga gagawin mong eksena! Kung ano ang iaarte mo!’ Natakot talaga ako,” chika pa ng National Artist.

Dagdag pang sabi ni Ate Guy, “Pero totoo naman po yung sinabi niya. Kaya hindi na rin ako kumibo noon, Direk.

“Sa loob-loob ko lang iyon. Pero iyon talaga siya. Iyon bang pagdating mo sa set, dapat alam mo na kung ano ang gagawin mo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gina (@ginalajar)


“Hindi yung pagdating mo sa set, maglalaro ka pa, hindi mo pag-aaralan ang mga eksena, yung dialogue at lahat.

“E, siyempre nga naman, pag-take at hindi mo nakukuha, e, magagalit sa iyo yung direktor mo. Kaya sabi ko, ‘Tama, tama,'” dugtong pa ng movie icon.

Paliwanag naman ni Direk Gina, natalakan niya ang nasabing youngstar dahil nahihiya siya kay Ate Guy na handang-handa na sa kanyang mga eksena.

“Hindi naman din yun. Kasi ikaw ang kaeksena niya. Ikaw naman ang kaeksena niya. You know, kung pare-pareho lang silang mga kabataan, siguro I wouldn’t mind.

“But because ikaw yung kaeksena niya, I was expecting that… kailangan, may sistema din siya na minemorize niya yung linya niya. Alam niya kung ano ang gagawin niya, and kung ano man ang instructions sa kanya, masunod agad.

“Kaya ako nagalit, because unang-una, nahiya ako sa iyo. Because you did your part. You did your part and I know you tried to help these actors.

“Pero kung hindi naman sila seryoso sa ginagawa din nila, di ba? So du’n, unang-una yun nahiya ako. Nahihiya ako sa yo, kaya ganu’n,” katwiran ng actress-director.

Ayaw nang banggitin pa ni Direk Gina ang name ng pasaway na youngstar dahil baka ma-bash at mapahiya pa ito.

Pero para sa kanya dapat ba talagng talakan ang mga batang artista na pasaway at may attitude? Sagot ni Direk Gina, “As much as possible, hindi sana. Kasi, ayoko din naman na nagkakaroon ng tension on the set, you know.

“Kasi siyempre, if I lose my cool, everyone is affected. From the executive producer, yung mga ganyan. Siyempre naka-report din sa management iyan, hindi ba?

“Kaya po ganyan, kasi napagalitan po si ganito. And I don’t like that. Kaya lang, there are certain times, certain points na minsan napipikon din ako, yung ganun.

“Kaya alam mo yun, kailangang you teach them a lesson. Yung ganu’n. Mali din yun na kailangang talakan, kasi pag sinabi mong kailangang talakan, it’s in front of everyone. At napapahiya din yung tao, hindi ba?

“So hindi din naman maganda yun na attitude. Kasi meron din naman siyang pride, di ba? Nakakahiya naman.

“So yun, I hope na hindi na mangyari. You know I’m trying to learn. I’m trying to control myself na sana, wala nang ganun. Wala nang outburst na ganun. Kasi it’s not healthy also,” pahayag pa ng aktres.

Gina Alajar nagsalita na tungkol kay Alex Gonzaga: ‘Feeling ko meron naman siyang natutunan sa akin’

Awra nagpa-house tour sa bonggang bahay: Dito namin sasalubungin ang Pasko at New Year!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ate Guy umaming nagkasala kay Gina Alajar: ‘Pero napatawad na niya ako, isa siyang mapagmahal na direktor, artista at kumare’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending