Awra nagpa-house tour sa bonggang bahay: Dito namin sasalubungin ang Pasko at New Year! Bandera

Awra nagpa-house tour sa bonggang bahay: Dito namin sasalubungin ang Pasko at New Year!

Ervin Santiago |December 06,2021
share this

Awra nagpa-house tour sa bonggang bahay: Dito namin sasalubungin ang Pasko at New Year!

Ervin Santiago December 06, 2021 - 08:22 AM

Awra Briguela at Karen Davila

MATAPOS makapag-ipon nang bonggang-bongga, nakapagpundar na rin ng sariling bahay ang Kapamilya youngstar na si Awra Briguela.

Mula sa isang squatters area, nakalipat na ang dating child star sa isang malaking bahay na produkto ng kanyang pagsisikap at pagsasakripisyo bilang artista.

In fairness, ilang taon lamang ang nakalipas mula nang mag-artista si Awra ay nakabili na agad siya ng house and lot sa isang subdivision na kung ilarawan niya ay “sobrang ganda.”  

Sa isang vlog kasama si Karen Davila, ipinakita ni Awra ang pag-aaring bahay na biggest achivement daw niya sa buhay.

“Super happy po. Kasi ‘yung pinanggalingan namin, super iba talaga dito. Nasa squatters’ area po talaga kami before. 

“Ngayon iba na kasi secured na kami sa subdivision, ‘yung bilang lang ‘yung nakakapasok. Tapos sobrang ganda pa ng house,” simulang kuwento ng youngstar na  sa murang edad ay nakapagpundar na ng van, bahay at lupa. 

Natatawa pa niyang kuwento habang inililibot si Karen sa kanilang bonggang house and lot, “Before, ‘yung bahay namin, mabilis lang kaming magkita-kitang family. Parang pagkalabas mo ng kwarto, nandiyan na agad ‘yung hinahanap mo.

“Dito, kailangan mo pang sumigaw-sigaw ng ‘Mommy!’ kasi naghahanapan pa kami paikot-ikot sa house,” sey pa ni Awra. 

Tuwang-tuwa rin ang mga kapatid ng youngstar na nakatira na sila ngayong magkakapamilya sa mas maganda at malaking bahay. 


Tinanong din siya ni Karen kung ano ang feeling niya ngayong nakatira na sila sa bagong bahay ngayong taon.

“Super happy po talaga ako kasi this Christimas and New Year, sasalubungin namin ‘yung bagong taon na maganda ‘yung house namin.

“Matagal ko na pong pangarap na mapatayuan ng ganitong bahay ‘yung family ko. Without my uncle, hindi po namin lahat matutupad ito,” chika pa ni Awra na unang nakilala bilang anak-anakan ni Coco Martin sa seryeng “Ang Probinsyano.”

Tungkol naman sa napanalunang house and lot sa pagiging grand winner ng “Your Face Sounds Familiar”, plano raw niyang ipagbili na lamang ito.

Aniya, pinapataas lamang nila ang “value” ng nasabing property para maibenta niya ito sa mas malaking halaga.

Awra natakot nang tinawagan ng GMA; inakala na scam lang

Awra matagal nanahimik sa socmed: Nasa point pa rin ako ngayon na naghi-heal…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending