Ava Mendez nilinaw na hindi engaged kay Skusta Clee Bandera

Ava Mendez nilinaw na hindi engaged kay Skusta Clee

Therese Arceo |January 24,2023
share this

Ava Mendez nilinaw na hindi engaged kay Skusta Clee

Therese Arceo - January 24, 2023 - 07:21 PM

Ava Mendez nilinaw na hindi engaged kay Skusta Clee

NAGSALITA na ang Vivamax sexy star na si Ava Mendez patungkol sa diumano’y engagement nila ng Ex-Battalion member na si Skusta Clee.

Matatandaang naisulat namin dito sa Bandera na usap-usapan sa social media kung nag-propose na nga ba ang singer/rapper sa dalaga dahil may mga kumakalat na TikTok video kung saan makikitang mula sa pagkakaluhod ay tumayo si Skusta at masayang niyakap ang sexy star.

Kaya naman agad na naghinuha ang mga netizens na baka nag-next level na ang relasyon nina Ava at Skusta bagama’t wala pang kumpirmasyon kung talaga ngang in a relationship sila.

Sa isang panayam nga ay nilinaw ng dalaga na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita ukol sa “engagement” nila.

Pagpapaliwanag ni Ava, “Hindi po ako engaged… Naglaro po kami ng Pinoy Henyo. ‘Yun po ‘yon.”

Aniya, ang naturang video ay kuha noon sa naganap na Christmas Party ng Ex-Battalion kung saan naglalaro sila na mapapanood sa vlog ni Angelica Yap, kasintahan ng isa pang Ex-Battalion member na si Flow G.

“Nahulaan ni Darryl ‘yung nandoon sa ulo niya bago pa matapos ‘yung oras kaya nagtalunan kaming dalawa,” dagdag pa ni Ava.

Ang pinapahulahang salita raw ay sinigang ayon sa dalaga.

Bagamat wala pa ring direktang kumpirmasyon ay inamin naman ni Ava na “in love” siya kay Skusta Clee.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

Related Chika:
Skusta Clee, Ava Mendez magkasamang nag-celebrate ng Pasko, magdyowa na nga ba?

Ava Mendez, Skusta Clee ibinandera ang ‘harutan’ sa gitna ng kalsada, magdyowa na talaga!

Vivamax bombshell Ava Mendez inokray dahil sa litrato nila ni Skusta Clee: ‘Naks naman, you and me against the world ang pautot’

Skusta Clee, Ava Mendez engaged na nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending