Ava ibinuking ang pagkalasing ni Jak: 'Nagiging touchy na siya...'

Ava Mendez ibinuking ang pagkalasing ni Jak Roberto: ‘Nagiging touchy na siya…’

Pauline del Rosario - December 27, 2023 - 05:28 PM

Ava Mendez ibinuking ang pagkalasing ni Jak Roberto: 'Nagiging touchy na siya...'

Ava Mendez, Jak Roberto

TINULDUKAN na ng Vivamax sex siren na si Ava Mendez ang kumakalat na isyu kaugnay sa kanila ng aktor na si Jak Roberto.

Recently lang kasi, nag-viral sa social media ang ilang pictures at videos ng dalawa na spotted magkasama sa isang party.

For the very first time, nagsalita si Ava at binigyang-linaw ang mga naging katanungan ng mga Marite matapos usisain ng content creator na si Madam Lamon Queen.

Umamin ang aktres na nagkasama sila ni Jak sa isang party, pero ito raw ay dahil pareho nilang kaibigan ang may birthday at sila lang dalawa lang ang artista sa event.

“Nasa isang five star hotel kami. Doon kami kumain, uminom kasama ‘yung mga malalapit na kaibigan ‘nung may birthday. So nag-iinuman, nagkakatuwaan na and si Jak, medyo nakainom na rin,” kwento ni Ava.

Baka Bet Mo: Vivamax sexy star Ava Mendez napilitang pumatol sa professor para makapasa: Para akong na-rape…

Nabanggit din ng sexy actress na since silang dalawa lang ang artista, may mga nag-request na magpa-picture sa kanila.

Kaya ang ginawa nila ay nag-ikot ikot sa bawat table upang makapagpa-picture ang mga bisita na present sa party.

“May mga gustong magpa-picture sa aming dalawa ni Jak. So bawat table pinupuntahan namin at magkatabi kami ni Jak.

“So makikita niyo, may kumakalat na picture na magkatabi kaming dalawa pero ‘yung mga kasama namin, mga naka-crop. So ayun, ginawan na ng isyu,” chika niya.

Patuloy ni Ava, “After nu’n e di bumalik na ulit kami sa upuan namin edi nag-iinom nanaman kami. After that, si Jak sinasabihan na nila, like, alalay lang.”

Bigla namang nagtanong si Madam LQ kung paano nga ba nalalasing si Jak.

Sagot naman ni Ava, “Nagiging touchy na siya.”

Nag-follow up question ulit ang content creator sa kanya, “Nagiging touchy siya sa yo?”

Pag-amin ng aktres, “Hindi lang naman sa ‘kin.”

“’Yung mga nakakita kasi binibigyan na nila ng malisya. Pero pag kilala mo ‘yung tao, siyempre parang normal lang, makulit lang kasi nakainom eh. So naiintindihan ko ‘yun,” paliwanag pa niya.

Baka Bet Mo: Vivamax sex siren Ava Mendez walang arte sa hubaran, pangarap maging action star

@madamlq Ava Mendez nagsalita na sa isyu kay Jak Roberto! Alamin ang buong kwento sa kumakalat na sweet photos at videos online #avamendez #jakroberto #avamendezoffical ♬ original sound – Madam LQ 👑

Chinika rin ni Ava na nalasing talaga silang lahat sa dami ng kanilang nainom at doon na raw naging “aggressive” si Jak sa kanila.

“Halos maubos na namin ‘yung isang box ng single malt na ininom namin, doon na siya parang naging aggressive,” sambit niya.

Ani niya, “‘Yun nga, kumakausap na siya ng mga usherrettes na mga babae, tapos parang umalis na ‘yung mga babae doon. Tapos next ‘yung samin na, kasi kami nalang ‘yung natitira and then dapat pauwi na kami noon kaso hindi na ako nakauwi dahil lahat kami lasing.”

At dahil sa kalasingan nila nang todo, ang may birthday na mismo ang nag-initiate na kuhaan sila ng rooms upang doon na lang magpahinga.

“So papunta na kami ng elevator, papunta na kami sa room namin, may mga ibang fan din na nakakita na may ginagawa si Jak sa akin, which is ’yung parang hug lang ng kaibigan, like, behind. Kasi lasing talaga siya, bangag talaga siya,” paglalahad ni Ava.

Dagdag pa niya, “May nakakita na fan na binigyan kami ng malisya na niyayakap ako ni Jak tapos si Jak siyempre nahihilo na. So pagkakaalam ng fan inaamoy ako, tapos parang hinahalikan, which is wala namang ganun na senaryo na nangyari.”

“Lasing ‘yung tao eh. So naghahanap ng parang [sandalan], so ako ‘yung nakitang malapit. So ‘yun ‘yung nangyari,” depensa niya.

Nang tanungin naman siya ni Madam LQ kung papatol ba siya sa taong may jowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang deretsahang sagot ni Ava, “Hindi. Hindi ko rin gusto eh. Tsaka hindi ko rin gusto si Jak. ‘Yun lang ‘yun.”

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Jak sa naging pahayag ni Ava Mendez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending