Vivamax sexy star Ava Mendez napilitang pumatol sa professor para makapasa: Para akong na-rape…
SA ginanap na private screening/l at mediacon ng pelikulang “#DoYouThinkIAmSEXY” na streaming na ngayon sa Vivamax ay inamin ng isa sa cast na si Ava Mendez na naka-relate siya sa kuwento dahil naranasan niya ito noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo.
Kinlaro ni Ava na hindi niya kuwento ang sinulat at idinirek ni Dennis Marasigan, nataon lang na may sexual harassment ding nangyari sa kanya.
Ang kuwento kasi ng “#DoYouThinkIAmSEXY” ay tungkol sa estudyante na ginampanan ni Cloe Barreto na hina-harass ng college professor played by Marco Gomez dahil nga suma-sideline itong camgirl para suportahan ang pag-aaral at pamilya.
At dahil isa si Marco sa nanonood kay Cloe kapag nagso-show ito as camgirl ay pinapantasya niya ito lalo’t estudyante niya. Kaya nang nagbabaan lahat ang grado ay sinabihan niyang ibabagsak siya at hindi lang ito matutuloy kapag pumayag sa gusto nito.
Almost the same ang kuwento sa totoong buhay ni Ava ang nangyari kay Cloe sa pelikula kaya natanong ang female cast kung ano ang gagawin nila kapag may ganitong insidente.
Nag-aapuhap ng sasabihin si Ava at lakas loob niyang inamin ang nangyari sa kanya, “Pinag-iisipan ko kung aaminin ko o hindi. Kasi noong college ako, nag-aral ako ng HRM (Hotel and Restaurant Management) and then meron isang prof ng major subject ko na nagkagusto sa akin.
“Meron akong subject sa kanya na bagsak ako na hindi ako nag-a-attend kasi that time na ’yon may depression (dahil) sa family ko. Meron kaming problema sa financial.
“So, ang ginagawa ko nu’n, nagtatrabaho ako habang nag-aaral ako. Ang nangyari, may gusto sa akin ’yong prof and then in-offer-an ako kung anong puwede kong gawin para makapasa ako.
View this post on Instagram
“Sa sobrang depressed ako, wala na ako sa pag-iisip, pumayag ako doon sa sinasabi n’ya once lang,” pagtatapat ni Ava.
Marami ang nangulat sa matapang na pahayag na ito ng Vivamax sexy star kaya hindi dapat husgahan ang mga taong umaabot sa ganito dahil nga may mga pinagdadaanan din sil
At pagkatapos ng isang gabing magkasama ay umokey na ang relasyon nila bilang estudyante at teacher pero humihirit pa ulit.
“Pero nu’ng naging okey na kami, ’yong relationship namin, ang nangyari parang gustong umulit pero ako, ayoko na kasi parang ang sakit sa akin nu’n, e. Up to now, meron pang konti (trauma) pero nakakaya ko namang i-tolerate.
“Kaya rin isa sa dahilan kung bakit ako nagka-anxiety (at) depression kasi para akong na-rape. Kasi wala akong choice. Ano’ng gusto mo? Papasa ka? Tapos may problema ka sa family mo.
“Parang gumaan lang ba ’yong nararamdaman ko at gumaan din ang pakiramdam ng parents ko para hindi makita ’yong card ko na (may bagsak), so wala akong choice, pinatulan ko muna for once,” pagdedetalye pa ng dalaga.
At dahi hindi na tinantanan si Ava ng professor niya kaya nagsumbong na siya, “After nu’n, hindi ko na pinayagan. Pinasumbong ko na sa dean at na-expel na po siya.”
Sa kasalukuyan ay okay na si Ava at nakapagtapos na siya at may maliit na negosyo and at the same time nag-aartista dahil nanatili pa rin siyang breadwinner ng pamilya.
Bukod kina Marco, Ava at Cloe ay kasama rin sa pelikula sina Chloe Jenna, Cecil Paz at Atak, Milana Ikimoto at Hershie De Leon. Line produced ng Great Media at produced ng Viva Films.
https://bandera.inquirer.net/321960/raymond-bagatsing-tumodo-na-rin-sa-paghuhubad-at-sex-scenes-eva-mendez-hindi-nag-plaster-sa-the-escort-wife
https://bandera.inquirer.net/322102/janelle-tee-hindi-kering-rumaket-bilang-escort-girl-i-dont-think-i-will-survive-that-kind-of-a-job
https://bandera.inquirer.net/295004/rita-pinky-disappointed-kay-yorme-nagpasalamat-dahil-nagpakita-agad-ng-tunay-na-kulay
https://bandera.inquirer.net/315502/bitoy-direktor-na-ng-pepito-manaloto-original-cast-members-tuwang-tuwa-sa-pagbabalik-nila-sa-show
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.