Ava Mendez sa hiwalayan nila ni Skusta Clee: ‘Hindi kasi kami talaga OK sa relationship’ | Bandera

Ava Mendez sa hiwalayan nila ni Skusta Clee: ‘Hindi kasi kami talaga OK sa relationship’

Pauline del Rosario |March 19,2023
facebook
share this

Ava Mendez sa hiwalayan nila ni Skusta Clee: ‘Hindi kasi kami talaga OK sa relationship’

Pauline del Rosario - March 19, 2023 - 12:18 PM

Ava Mendez sa hiwalayan nila ni Skusta Clee: ‘Hindi kasi kami talaga OK sa relationship’

CHINIKA na ng Vivamax bombshell na si Ava Mendez ang dahilan ng paghihiwalay nila ng Pinoy rapper na si Skusta Clee.

Sa isang exclusive interview with pikapika.ph ay ibinunyag ng sexy actress na tila hindi raw kasi sila nagkakasundo sa mga plano sa buhay.

“May mga bagay talaga na hindi match and [sinubukan] naman namin. Okay naman talaga,” sey niya sa interview.

Dagdag pa niya, “Parang masasabi ko na lang siguro pag friendship mas okay kaysa sa relationship.”

Nilinaw rin ni Ava na silang dalawa naman ang nagdesisyon na maghiwalay na lamang.

“Mutual talaga na desisyon na mag-separate muna kami kasi hindi talaga okey,” saad ng aktres.

Sabi pa niya, “Hindi kami magkaaway…Hindi ko masabi din na friends, pero parang casual.”

Baka Bet Mo: Vivamax sexy star Ava Mendez napilitang pumatol sa professor para makapasa: Para akong na-rape…

Nakwento rin niya na aware siya sa mga hinaharap na isyu ni Skusta, pero hindi daw kasi iyon naging hadlang sa kanya sa kanilang naging relasyon.

Ayon pa sa kanya, ang tinitingnan kasi niya ay mismong pagkatao ng dating dyowa.

“Alam naman ng mga tao na ang tagal kong single. Ang dami nga nagsasabi na bakit daw ako pumasok sa gunung situation tapos ang daming issue,” sey niya.

Chika niya, “Ako kasi, hindi naman ako ganun about sa gunung personality. Ang nakita ko kasi sa kanya is parang siya talaga mismo, na hindi ko nakita na artist sya, ganito siya, may issue siya, ganyan-ganyan so whatever. Kasi ako, hindi niya ako nakita na ganun na sexy star.”

Ibinahagi rin ni Ava na mula nang maghiwalay sila ni Skusta ay hindi na sila nakakapag-usap.

“No contact kasi masyado ako ngayon nag-focus dito sa project [na DOMME], more on training, meron akong webinar class kasi nag-apply ako ng class sa US about business management,” paliwanag ni Ava.

Kung maaalala, naging mainit na usapin sa sa social media ang umano’y pagkakamabutihan ng dalawa nitong mga nagdaang buwan.

Nag-viral at napasama pa nga sa top trending topics sina Ava at Skusta dahil sa mga sweet photos nila together.

Pero nitong buwan lang ay kinumpirma na rin mismo ni Ava na siya ay single na.

“Yes. Single ako. At mas gusto ko ng rap in English. Basta walang nangyari sa amin, wala naman akong naramdamang kahit ano!,” pagkumpirma niya matapos tanungin sa isang virtual presscon ng bago niyang sa Vivamax na “Domme.”

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vivamax sex siren Ava Mendez walang arte sa hubaran, pangarap maging action star

Ava Mendez, Skusta Clee ibinandera ang ‘harutan’ sa gitna ng kalsada, magdyowa na talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending