Skusta Clee nakasama ang anak na si Bia sa kanyang birthday kaso... | Bandera

Skusta Clee nakasama ang anak na si Bia sa kanyang birthday kaso…

Therese Arceo |February 17,2023
facebook
share this

Skusta Clee nakasama ang anak na si Bia sa kanyang birthday kaso…

Therese Arceo - February 17, 2023 - 04:16 PM

Skusta Clee nakasama ang anak na si Bia sa kanyang birthday kaso...

NATUPAD ang pangarap ng singer-rapper na si Skusta Clee na makasama ang kanyang anak sa kanyang kaarawan.

Ibinandera ng Ex-Battalion member ang mga larawan kasama si Bia sa kanyang Instagram account noong February 16, birthday niya.

“Wish granted! Happy SAUCE day!” saad ni Skusta sa kanyang caption.

Ngunit isang standee na Bia lamang ang kanyang kasama at hindi ang mismong anak.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naturang post ni Skusta Clee.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

May ilan na naawa kay Skusta at may ilan naman na nagsasabing bagay lang sa kanya na standee ang makasama sa kanyang kaarawan.

Matatandaang kamakailan lang nang mag-post si Skusta Clee na dalangin niya na makasama ang kanyang anak kay Zeinab Harake sa kanyang kaarawan.

Wala namang naging pahayag noon si Zeinab patungkol sa parinig ng dating kasintahan at mukha ngang hindi nito tinupad ang wish niya dahil kita naman na standee lang ang nakasama nito.

March 2022 nang tuluyang maghiwalay sina Skusta at Zeinab matapos malaman ng huli na muli na naman siyang niloloko nito sa kabila ng kanyang pagdadalangtao sa second baby nila na si Moon.

At dahil nga sa nadaramang stress ni Zeinab sa mga pangyayari noon ay nakunan siya at hindi na naisalba pa ang bata.

Sa ngayon naman ay mukhang happy si Skusta dahil kay Vivamax star na si Ava Mendez na bagama’t wala pang diretsang pag-amin tungkol sa kanilang tunay na relasyon ay aminadong “in love na in love” sa isa’t isa.

Related Chika:
Hiling ni Skusta Clee: Si Bia lang sa birthday ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake inaatake ng postpartum depression: Iyak ako nang iyak, nai-stress ako…

Skusta Clee sa anak nila ni Zeinab Harake: Pinakamagandang butterfly ng buhay ko

Zeinab sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee: Buntis ako niloloko na pala niya ‘ko, kapag naaalala ko nandidiri ako sa sarili ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending