Skusta Clee sa anak nila ni Zeinab Harake: Pinakamagandang butterfly ng buhay ko | Bandera

Skusta Clee sa anak nila ni Zeinab Harake: Pinakamagandang butterfly ng buhay ko

Therese Arceo |April 28,2022
facebook
share this

Skusta Clee sa anak nila ni Zeinab Harake: Pinakamagandang butterfly ng buhay ko

Therese Arceo - April 28, 2022 - 06:36 PM

Skusta Clee sa anak nila ni Zeinab Harake: Pinakamagandang butterfly ng buhay ko

SA kabila ng kontrobersyang kinasasangkutan ay hindi naman nakalimutan ng singer at miyembro ng Ex-Battalion na si Skusta Clee o Daryl Borja sa totoong buhay ang kanilang anak ng vlogger na si Zeinab Harake na si Baby Bia.

Ngayong araw ang ika-1st birthday ng kanilang anak at hindi naman niya nakalimutan na batiin si Baby Bia sa espesyal nitong araw.

“Happy birthday sa nag-iisang pinakamagandang butterfly ng buhay ko. Mahal ba mahal kita anak,” pagbati ni Skusta Clee kalakip ng mga larawan ng anak sa kanyang Instagram account.

Bagamat parehas na tahimik ang dalawa ukol sa kung ano nga ba ang tunay na dahilan sa kanilang paghihiwalay ay marami pa rin ang umaasa na sana ay maayos nila ang kanilang problema lalo na’t may anak silang maaaring maapektuhan.

“Pwede pang maayos yan basta magbago ka na. Laging isipin, kahit gaano kalaki ang pinag-awayan, nadadaan sa maganda at maayos na usapan. Don’t let the child feel the pin at her early age,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Sana maging okay na kayo kasi FAMILY na kayo eh. Both of you daryl and zeb super fan nyo ko tapos na kayo sa stage na teenage or what! Normal sa family may pagdaanan pero sana marunong kayo both magunawaan at lagi nyo pag-usapan kung may problema kayo mag-asawa. Sana maging okay na kayo kawawa si baby Bia.”

“Be strong and man enough for Bia and Zeinab,” hirit naman ng isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

Samantala, mapapansin na emosyonal ang dating partner ni Skusta Clee na si Zeinab sa kanyang latest vlog kung saan ibinahagi niya ang naging birthday photoshoot ni Baby Bia.

Habang nagpapasalamat ito sa mga taong kasama niya para sa photoshoot ng anak ay naluha ito.

“Thankful ako kasi mayroon akong grupo na Team Zebby na nandyan para samahan ako hanggang dulo kasi gusto ko lang maging perfect ito para kay Bia. Yun ang pinakagusto kong ibigay sa kanya, ‘yung magandang birthday,” naiiyak na saad ni Zeinab pagkatapos ay inalala ang nawalang anak na si Baby Moon.

Kapansin-pansin rin na walang Skusta Clee na present sa photoshoot ng anak hindi gaya noong monthly photoshoot ni Bia na minsan siya pa ang photographer.

Hugot pa niya, “Ang saya kasi may mga nawala man pero may mga solid na bumalik at talagang mamahalin ako hanggang dulo at hindi ako sasaktan.”

Nangako naman si Zeinab na ibabahagi niya sa netizens ang mga ganap sa birthday party ng anak kaya abangan na lang natin kung may Skusta Clee nga bang darating at kung magkakaayos pa nga ba ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vlogger Zeinab Harake ipinakita na ang mukha ng baby nila ni Skusta Clee: Meet Baby Zebbiana!

Xian Gaza nanganganib makasuhan ng cyber-libel sa pakikisawsaw kina Skusta Clee at Zeinab Harake?

Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending