Zeinab sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee: Buntis ako niloloko na pala niya 'ko, kapag naaalala ko nandidiri ako sa sarili ko! | Bandera

Zeinab sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee: Buntis ako niloloko na pala niya ‘ko, kapag naaalala ko nandidiri ako sa sarili ko!

Reggee Bonoan |May 09,2022
facebook
share this

Zeinab sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee: Buntis ako niloloko na pala niya ‘ko, kapag naaalala ko nandidiri ako sa sarili ko!

Reggee Bonoan - May 09, 2022 - 08:07 PM

Skusta Clee at Zeinab Harake

“NATUPAD na ang dasal ng lahat na lagi nilang ikino-comment, future single mom. Lahat po ng nag-comment nagkatotoo na po.”

Ito ang nakatawang sabi ng social media influencer na si Zeinab Harake (may 12.3 million subscribers sa YouTube) sa panayam ni Toni Gonzaga-Soriano nitong Linggo, Mayo 8.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit pitong milyong views ang panayam na ito ni Toni kay Zeinab na ikalawang beses na niyang paglabas sa “Toni Talks.”

Ang pagpapakilala ng host, “Alam n’yo kung matatandaan n’yo two years ago, siya ang kauna-unahang guest ko sa Toni Talks. Ngayon ay nagbabalik na siya as a new woman, a mother and more beautiful than ever.”

Buntis noon nang unang mag-guest si Zeinab kay Toni at ngayon ay may anak na siya at kamakailan nga lang ay nakunan siya sa ikalawa sana niyang anak na si Baby Moon.

Aminado si Zeinab na hanggang ngayon ay marami siyang pinagdaanang pain sa kanyang personal life kaya nang ipagdiwang ng panganay niyang si Baby Bia ang kaarawan nito kamakailan ay emosyonal siya.

“Kasi natatakot ako noon kasi hindi natuloy ‘yung binyag niya na kasabay dapat (birthday) ‘yun may problem ng nangyayari sa akin personally na pati mental health kom sunud-sunod ‘yung stress na hindi ko na lang din inilalabas sa tao kasi ito na ako ngayon. Kung ano ‘yung mga shit mo, itago mon a lang sa camera kaya medyo lie low ako sa YouTube.

“Tapos feeling ko hindi ko magagawa (bigyan ng party ang anak) kasi wala na si Moon, wala na kami nu’ng tatay (ni Baby Bia).

“Habang buntis ako (kay Moon) naghiwalay kami. Nanganak ako, nag-labor ako ng 16 hours, nawala at nalibing ang baby ko mag-isa lang ako lahat.

“Kaya nu’ng birthday ni Bia ganu’n ‘yung emosyon ko kasi sobrang saya ko na nagawa ko after two weeks,” kuwento ni Zeib.

Tinulungan niya ang sariling makatayo alang-alang sa naiwang anak na si Baby Bia dahil silang dalawa na lang ngayon ang magkasama.

Nagsimula ang problema sa pagsasama nina Zeinab at ng rapper na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee nitong Marso, 2022.

“May mga away kami simula January pero away mag-asawa na akala ko pag nagkakabati kami, okay na, hindi pala.

“(Nitong) March lagi na niya akong iniiwan at dumating sa point na nagmamakaawa ako sa kanya at alam niyang buntis ako kay Moon.  Hirap talaga ‘yung pagbubuntis ko kay Moon maselan, first month palang dinudugo-dugo na ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


“Pag nag-aaway kami ganu’n siya iniiwan ako sa bahay hanggang sa nagkahiwalay na kami sa loob lang ng isang buwan na talagang nasira ang ulo ko.

“Inaaway niya ako na hindi ko alam kung bakit ‘yun pala may something nang nangyayari, last week of March umalis na siya sa bahay,” dire-diretsong kuwento ng YouTuber.

“Tumawag ako sa mama ko na kausapin si Daryl kasi gusto kong maayos alang-alang kay Bia tapos bumalik siya. Pero may isang araw na ibinigay sa akin si God na huwag akong sumama sa kanya (may lakad sila).

“Naiwan ako sa bahay at doon ko nahuli sa laptop na sakto nasa message, so nagdi-delete siya sa phone niya, ganu’n sa Apple user di ba? Hindi ko naman nabasa lahat.

“Ang nabasa ko ‘yung sa bugaw tapos sa isang girl na inaaya niya pero hindi ‘yun ang worst kasi nagkapatawaran pa kami after,” emosyonal na kuwento ng kilalang vlogger.

Dagdag pa niya, “Akala ko ‘yun lang meron pa pala, mula January buntis ako niloloko na pala niya ako kami ng anak niya.

“Ito po gusto ko ring iklaro ang lahat na kaya hindi ko siya inimbita nu’ng birthday ni Bia kasi wala naman siyang pakialam kay Moon, wala siyang pakialam kay Bia.  Hinahalikan niya ‘yung anak niya habang gumagawa (pala) siya ng kung anu-anong bagay na hindi naman dapat na-apply doon sa bata.

“Tapos kinausap ko siya na aminin na niya lahat. Nagsabi siya na mamatay man si mama ko (nanay ni Daryl), mamatay ka man mahal (Zeinab), mamatay man si Bia wala akong babae. Tapos after two days inamin niya lahat! Ay sobrang brutal!” tuluyan nang umiyak si Zeinab.

“Kapag naalala ko nandidiri ako sa sarili ko, sa baby ko, naawa ako kay Bia. Hindi ko alam saan ako lulugar. Hindi ako perpektong asawa pero hindi iyon reason para ganunin mo ako sa lahat ng ginawa ko sa ‘yo.  Sa lahat ng pagtatanggol ko.  Pinatawad kita hindi scripted ‘yun!” lumuluhang pahayag ni Zeinab.

Ano ang nangyari para tuluyan nang hiwalayan si Skusta Clee? “Siguro ‘yung sinabi niyang mamatay man ‘yung nanay niya, ako at si Bia. Kasi walang tatay at asawa na gugustuhing mamatay dahil lang sa pagsisinungaling mo. Pati nanay mo ginanu’n mo! Yung nanay mo wala namang ginagawa sa ‘yong masama,” pagtatapat ni Zeinab.

Dagdag pa, “Yung panunumpa kasi sa akin big deal ‘yun, eh. Kapag tinanong kita, ‘mamatay man?’ tapos nagsabi ka ng ganito ibig sabihin ‘yung panunumpa mo totoo.

“Doon ako nakabase na tao, ganu’n akong klaseng tao kasi hindi ako magbibitaw ng ganu’n salita kasi hindi ko gustong mangdamay ng ibang tao dahil lang sa kasinungalingan ko,” lahad pa ng vlogger.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya sa pagtatapos ni Zeinab ay sinabi niyang single mom na siya at wala na sila ni Daryl o Skusta Clee. Bukas naman ang BANDERA sa magiging paliwanag ng rapper hinggil sa mga isiniwalat ni Zeinab.

Zeinab Harake inaatake ng postpartum depression: Iyak ako nang iyak, nai-stress ako…

Zeinab Harake na-experience ang pagiging ‘attitude’ ni Ivana Alawi

Vlogger Zeinab Harake ipinakita na ang mukha ng baby nila ni Skusta Clee: Meet Baby Zebbiana!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending