Vivamax sex siren Ava Mendez walang arte sa hubaran, pangarap maging action star | Bandera

Vivamax sex siren Ava Mendez walang arte sa hubaran, pangarap maging action star

Ervin Santiago - December 01, 2022 - 07:49 AM

Vivamax sex siren Ava Mendez walang arte sa hubaran, pangarap maging action star

Ava Mendez at Franki Russel

ISA si Ava Mendez sa mga palabang Vivamax bombshell na may future sa showbiz dahil hindi lang siya magaling sa paghuhubad at pakikipag-love scene — may ibubuga rin siya sa aktingan.

Wala pang launching movie ang dalaga pero palagi siyang nagmamarka sa mga pelikulang ginagawa niya sa Vivamax tulad ng “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili” at “Purificacion.”

Ang next project niya ay ang erotic drama na “Laruan” kasama ang Kiwi actress at former PBB housemate na si Franki Russell, Jay Manalo at Kiko Estrada sa direksyon ni Yam Laranas.

Kuwento ni Ava patungkol kay Franki, “Hindi kami magkakilala at first time ko to work with her but nagkasundo kami agad. Marami kaming eksena together, along with our co-actors, Jay Manalo and Kiko Estrada.

“Magiging karibal ako rito ni Franki sa husband niyang si Jay Manalo na niloloko niya kasi lover niya si Kiko Estrada. In the end, magseselos siya sa akin nang parehong maging close sa aking sina Jay and Kiko,” aniya pa.

Ayon sa dalaga na walang katakut-takot na maghubo’t hubad sa harap ng camera, “I take my work seriously and I study the roles assigned to me well para magampanan ko nang maayos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ava Mendez (@avamendezofficial)


“Dito sa ‘Laruan’, Direk Yam gave us acting workshops before the actual shooting started at malaki ang naitulong niyon para mas maintindihan kong mabuti ang role ko,” chika ni Ava.

Ibang-iba raw ang role niya sa “Laruan”, “Dati kasi, laging loud ‘yung role ko, maingay, so they require big movements. But here, sabi ni Direk Yam, i-tone down ko raw.

“Kasi ang role ko is an art student na mahinhin at makaka-relate kay Jay Manalo who plays a respected artist in the story. Kilalang painter siya and we bond well talking about art.

“Each time na medyo tumataas ang acting ko, Direk Yan tells me na babaan mo. So, mas kontrolado ang acting ko rito.

“I should also thank Jay, Kiko and Franki kasi talagang nagtulungan kami sa aming mga eksena para lumabas na maganda ang movie which is about illicit relationships,” aniya pa.

Kering-keri ni Ava ang magdrama at mag-comedy pero ang dream role raw niya ay, “Gusto ko po mag-try ng action movie. ‘Yung real deal action na ako mismo ang gagawa ng fight scenes and stunts ko sa movie.

“I think makakaya ko naman kasi may training ako sa martial arts and I’ve always been very athletic. Physical fitness influencer din ako and I joined sa mga marathon before,” sabi ng sexy star.

At siyempre, wish niya rin ang magkaroon ng best actresa award, “Siguro naman, lahat ng pumasok sa pag-aartista, nangangarap na balang araw, manalo sila ng isang acting award.

“So ipinapanalangin ko pong mabigyang ako ng isang maganda at demanding role that will acquire pure acting talaga. Maganda yung material at mahusay ang direktor para mapansin naman ako for my performance,” aniya pa.

Mapapanood na ang “Laruan” sa Vivamax simula sa December 9.

Vivamax sexy star Ava Mendez napilitang pumatol sa professor para makapasa: Para akong na-rape…

Raymond Bagatsing tumodo na rin sa paghuhubad at sex scenes; Eva Mendez hindi nag-plaster sa ‘The Escort Wife’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janelle Tee hindi kering rumaket bilang escort girl: I don’t think I will survive that kind of a job

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending