Ava Mendez single na uli matapos ma-link kay Skusta Clee; ibinuking na gusto siyang ligawan ni Mark Anthony Fernandez | Bandera

Ava Mendez single na uli matapos ma-link kay Skusta Clee; ibinuking na gusto siyang ligawan ni Mark Anthony Fernandez

Ervin Santiago |March 13,2023
facebook
share this

Ava Mendez single na uli matapos ma-link kay Skusta Clee; ibinuking na gusto siyang ligawan ni Mark Anthony Fernandez

Ervin Santiago - March 13, 2023 - 07:16 AM

Ava Mendez single na uli matapos ma-link kay Skusta Clee; ibinuking na gusto siyang ligawan ni Mark Anthony Fernandez

Ava Mendez at Skusta Lee

DIRETSAHAN nang ibinandera ng Vivamax bombshell na si Ava Mendez ang tunay na estado ng relasyon nila ng rapper at songwriter na si Skusta Clee.

Naging mainit na usapin din for a while sa mga entertainment websites at sa social media ang umano’y pagkakamabutihan nina Ava at Skusta nitong mga nagdaang buwan.

Nag-viral at napasama rin sa mga top trending topic sa socmed ang pangalan ng dalawa dahil sa mga sweet photos nila together.

Sa naganap na virtual presscon ng bagong pelikula ni Ava sa Vivamax, ang “Domme”, natanong nga ang dalaga tungkol sa kanyang lovelife.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ava Mendez (@avamendezofficial)


Bago pa makasagot si Ava ay nagsalita na agad ang direktor ng “Domme” na si Roman Perez, Jr., “Single siya ngayon. Kaya mas nakakapag-isip niya nang maayos.”

Sumang-ayon naman agad sa kanya si Ava, “Yes. Single ako. At mas gusto ko ng rap in English.

“Basta walang nangyari sa amin, wala naman akong naramdamang kahit ano!” ang tawa nang tawang pahayag ng dalaga. So, ibig sabihin talang hiwalay na sila ni Skusta Klee.

Samantala, itinuturing ni Ava na biggest break niya so far sa Vivamax ang “Domme” na ang ibig sabihin ay dominatrix — na siyang dominant partner sa BDSM relationships (bondage, domination, sado-masochism).

Ikinumpara pa ang “Domme” sa international film na “Fifty Shades of Grey”, “Yes, at mas malala yung mga ginawa namin sa ‘Domme’ kesa du’n. Ha-hahahaha!”

Naranasan na ba ni Ava ang BDSM sa tunay na buhay? “Not yet. Pero in real life, game naman ako, adventuruous naman ako, so feeling ko, parang kaya ko na hindi ko kaya, pero parang gusto kong i-try.

“Curious ako, kasi hindi ko alam kung paano talaga ang mga ginagawa nila. I’m open with that pero base sa lahat ng mga na-experience ko hindi ko pa siya na-try. Kung meron, why not, ’di ba? Para may bago,” aniya pa.

Sa “Domme”, gaganap siya bilang si Estelle, isang dominatrix na nagtatrabaho para sa isang chef played by Mark Anthony Fernandez na makakasama niya sa mga kinky sex.

Nakaka-relate raw in some ways si Ava sa kanyang character sa movie, “Si Estelle, she has a strong personality. She’s somewhat similar sa akin, kasi strong talaga ako.

“Even in my other roles, laging bida-kontrabida ako kasi malakas nga ang dating ko. So bagay sa akin ang role ng Estelle and I feel nagampanan ko naman siya nang maayos.”

Tinanggap naman niya agad ang project nang ialok ito sa kanya ng Vivamax at ni Direk Roman Perez, “When he explained the movie to me and my role, sabi ko, iba ito. First time na may gagawa ng ganitong movie about a dominatrix and BDSM.

“Siyempre, naintriga ako. And first starring role ko, so na-challenged ako. Akala ko, hindi ko makakaya, pero nakaya ko naman, with the help of Direk Roman and my co-stars.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)


“I did my own research and nalaman ko, may mga dominatrix pala talaga rito sa Pilipinas. Before the shooting started, we had a workshop. Tapos, nag-brainstorming kami where we all contributed our ideas about the making of the movie.

Baka Bet Mo: Vivamax sexy star Ava Mendez napilitang pumatol sa professor para makapasa: Para akong na-rape…

“Masarap katrabaho si Direk Roman, kasi very hands on siya. Parang tatay siya at mga anak ang treatment niya sa amin.

“oong una, naiilang pa ako sa mga pinagagawa niya sa akin. Pero nang tumagal, nage-enjoy na ako. Ha-hahaha!” pahayag pa ni Ava.

Samantala, ibinuking naman ni Ava ang leading man niya sa movie na si Mark Anthony Fernandez, “First time ko to work with him at nang una ko siyang makilala sa set, I was in bed. May kausap ako sa phone tapos, tumabi siya sa akin.

“Sabi n’ya, ‘Hi, I’m Mark Anthony Fernandez. Can I call you ‘mine’?’ Tapos sabi ko, ‘Huh!? Ano ’yon, kuya?’ Ha-hahahaha!

“Sabi niya, puwede ba kitang ligawan? Naku, sabi ko, hindi tayo ganyan. Matulog ka na lang, kasi may kausap pa ako sa phone.

“But nag-enjoy ako working with him, kasi magaan siyang katrabaho. Even sa love scenes, malambing siya, e. Pero less ang sex scenes dito, but very stimulating pa rin.

“Tiyak na mato-torture mentally yung ibang viewers sa mga gagawin namin,” sabi pa ni Ava.

Mapapanood na exclusively sa Vivamax ang “Domme” simula sa March 17.

Ava Mendez, Skusta Clee ibinandera ang ‘harutan’ sa gitna ng kalsada, magdyowa na talaga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Skusta Clee hiwalay na kay Ava Mendez, true kaya o gimik lang?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending