Skusta Clee hiwalay na kay Ava Mendez, true kaya o gimik lang? | Bandera

Skusta Clee hiwalay na kay Ava Mendez, true kaya o gimik lang?

Therese Arceo |February 22,2023
facebook
share this

Skusta Clee hiwalay na kay Ava Mendez, true kaya o gimik lang?

Therese Arceo - February 22, 2023 - 06:08 PM

Skusta Clee hiwalay na kay Ava Mendez, true kaya o gimik lang?
USAP-USAPAN na naman ngayon ang Ex-Battalion member na si Skusta Clee at Vivamax bombshell na si Ava Mendez.

May mga netizens kasi na nakapansin na tila deleted na ang mga larawan nila together sa Instagram account ng rapper.

Bukod pa rito ay tila may mga parinigan at patutsadahan pa ang dalawa sa social media.

“Maganda ‘yung design kaso hindi kasya sa paa ko,” sabi ni Skusta sa isang post na ngayon ay deleted na.

Ipinost naman ito ni Ava at sinagot ng “Hala! Diba pag maliit yung paa maliit din yung ano?” May pa hashtag pa nga ang dalaga ng “#LittleFoot”.

Bukod rito, may post rin si Skusta ng red flag emoji na deleted na rin sa ngayon.

Banat naman ni Ava, “Mas obvious naman sa ating dalawa mas marami kang [red flag emojis].”

Marami tuloy sa mga netizens ang tila nagtataka kung talagang naghiwalay na ba sina Skusta at Ava o baka naman gimik lang ang ginagawa ng mga ito upang pag-usapan sa social media.

At ang pinaka-latest na chika ay in-unfollow na rin nila ang isa’t isa sa Instagram.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

 

“Sawa na kasi kaya yun iniwan tApos na nyang tikman. Hanap nama ng bago,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “pasok ex ni boy tapang total sabi nya sa convo gusto nya gayahin si zeinab at skusta.”

“The design is very strategy.. style para pag-usapan,” sabi pa ng isa.

Anyways, mukhang hindi pa man umaamin sina Skusta Clee at Ava sa kanilang tunay na relasyon ay nauwi na sila sa hiwalayan.

Matatandaang nitong Disyembre 2022 lang nang mapabalita na may “something” na namamagitan sa dalawa.

Napabalita pa nga na na-engage sina Skusta at Ava ngunit dinenay naman ito nang huli at sinabing labis lang silang natuwa matapos manalo sa Pinoy Henyo noong Christmas Party kasama ang Ex-Battalion.

Bukas naman ang Bandera para sa paglilinaw ng dalawang kampo hinggil sa isyu.

Related Chika:
Skusta Clee, Ava Mendez magkasamang nag-celebrate ng Pasko, magdyowa na nga ba?

Ava Mendez, Skusta Clee ibinandera ang ‘harutan’ sa gitna ng kalsada, magdyowa na talaga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vivamax bombshell Ava Mendez inokray dahil sa litrato nila ni Skusta Clee: ‘Naks naman, you and me against the world ang pautot’

Ava Mendez nilinaw na hindi engaged kay Skusta Clee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending