Skusta Clee, Ava Mendez magkasamang nag-celebrate ng Pasko, magdyowa na nga ba? | Bandera

Skusta Clee, Ava Mendez magkasamang nag-celebrate ng Pasko, magdyowa na nga ba?

Therese Arceo |December 26,2022
facebook
share this

Skusta Clee, Ava Mendez magkasamang nag-celebrate ng Pasko, magdyowa na nga ba?

Therese Arceo - December 26, 2022 - 06:36 PM

Skusta Clee, Ava Mendez magkasamang nag-celebrate ng Pasko, magdyowa na nga ba?
USAP-USAPAN ngayon sa social media kung magdyowa na nga ba talaga ang Ex-Battalion member Skusta Clee at Viva sexy actress na si Ava Mendez.

Ibinandera kasi ng singer sa kanyang Instagram account ang larawan kasama ang dalaga.

“Maligayang Pasko,” maikling saad ni Skusta Clee.

Makikita rin na nakaakbay at naka-pose ng tila hahalik sa dalaga ang Ex-Battalion member.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

May Instagram story rin ito na magkasama sila noong December 25, mismong araw ng Pasko.

Kaya naman marami sa mga netizens ang naiintriga kung talaga bang may namamagitan kina Skusta Clee at Ava.

Matatandaang kamakailan lang rin nang maging matunog ang dalawa sa social media nang mag-trending ang sweet photos nila together.

May ilan pa ngang nagbanggit ng pangalan ni Aira Lipata nang maglabasan ang larawan nina Skusta Clee at Ava dahil tila hindi nagtagal ang kanilang relasyon at maybibang babae na tong ibinabandera sa social media.

Si Aira kasi ang tinuturong “third party” noon kaya naghiwalay ang Ex-Battalion member at sikat na vlogger na si Zeinab Harake.

Bagamat walang kumpirmasyon mula kay Aira o Skusta Clee, may mga larawang ibinahagi noon ang dalawa at ipinatattoo rin ng una ang pangalan ng huli sa tagiliran bagay na nagpakumbinsi sa marami na siya nga ang ipinalit ng lalaki sa ina ng kanyang anak.

Lately rin ay naging usap-usapan ang tila cover up tattoo ni Aira na mapapansin sa isa sa kanyang TikTok videos.

Doon kasi niya ipinatattoo ang pangalan ni Skusta ngunit mukhang pinatakpan na niya ito na naging tanda ng mga netizens na wala nang relasyon ang dalawa lalo na’t si Ava na nga ang ipini-flex nito sa social media.

Bukas ang BANDERA para sa pahayag ng kampo ng dalawa upang linawin kung ano nga ba ang namamagitan sa kanila.

Related Chika:
Skusta Clee nag-walk out daw sa music festival, organizer dumepensa: Wala pong nangyaring ganu’n

Vivamax sex siren Ava Mendez walang arte sa hubaran, pangarap maging action star

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Skusta Clee ibinandera nga ba ang bagong dyowa?

Vivamax sexy star Ava Mendez napilitang pumatol sa professor para makapasa: Para akong na-rape…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending