Skusta Clee ibinandera nga ba ang bagong dyowa? | Bandera

Skusta Clee ibinandera nga ba ang bagong dyowa?

Therese Arceo |June 10,2022
facebook
share this

Skusta Clee ibinandera nga ba ang bagong dyowa?

Therese Arceo - June 10, 2022 - 04:12 PM

Skusta Clee ibinandera nga ba ang bagong dyowa?

TRENDING na naman ang Ex-Batallion member na si Skusta Clee matapos nitong ibahagi ang larawan nilang magkasama ng rumored girlfriend na si Aira Lipata.

Sa kanyang Instagram stories ay pasimpleng flinex ng rapper-singer ang dalaga na napapabalitang dahilan ng kanilang paghihiwalay ng vlogger at social media influencer na si Zeinab Harake.

Ni-reshare rin naman ni Aira sa kanyang account ang story ni Darryl kaya naman curious ang mga “Marites” kung ito na nga ba ang simula ng pag-amin ng dalawa ukol sa namamagitan sa kanila.

Noon kasi ay wala namang inilalabas na kumpirmasyon si Skusta Clee ukol sa isyung kinakaharap at tila tahimik lang ito sa kabila ng mga nangyayari.

Para sa mga hindi aware, si Aira Lipata ay isang TikToker na may mahigit nang 1 million followers.

May kumalat rin na balita na siya raw ang nakaengkwentro ni Zeinab sa isang bar sa Quezon City na hanggang ngayon ay wala p namang kumpirmasyon kung totoo nga bang nangyari o hindi.

Bukod sa pagbabandera sa larawan nila ni Aira ay tila may cryptic posts ito sa Twitter.

“Kung kailan ka nawala saka ako pinagapala,” saad ni Skusta Clee sa kanyang tweet na may hashtag na “#Gaga”.

 

 

Napag-alaman namin na ito pala ang latest song na inilabas niya kasama sina Flow G at Yuridope.

Hindi naman napigilan ng mga netizens na kuyuhin si Skusta Clee sa comment section ng kanilang YouTube lyric video.

“Lahat ng message niya sa kanta niya, patama lahat sa sarili niya,” saad ng netizen.

Comment naman ng isa, “This song is just a reflection of who you are, such a projection of your inner self. The audacity. Your lyrics just show what kind of a ‘boy’ you are.”

“Maganda naman ‘yung kanta, lalo na sa part ni Skusta Clee. Nagre-reflect sa sarili niya. Nice,” hirit pa ng isa.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
‘Not my baby’ post ni Skusta Clee; sino nga ba ang pinatatamaan?

Lovelife hugot ni Skusta Clee: Nagmu-move forward agad ako kasi kung mag-i-stay ka sa isang lugar lulugmukin mo lang ang sarili mo

Skusta Clee malalim ang hugot sa ‘Kumpisal’ nila ni Gloc-9: Dito na ako hihingi ng tawad…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending