Vivamax bombshell Ava Mendez inokray dahil sa litrato nila ni Skusta Clee: 'Naks naman, you and me against the world ang pautot' | Bandera

Vivamax bombshell Ava Mendez inokray dahil sa litrato nila ni Skusta Clee: ‘Naks naman, you and me against the world ang pautot’

Ervin Santiago |January 12,2023
facebook
share this

Vivamax bombshell Ava Mendez inokray dahil sa litrato nila ni Skusta Clee: ‘Naks naman, you and me against the world ang pautot’

Ervin Santiago - January 12, 2023 - 07:49 AM

Vivamax bombshell Ava Mendez inokray dahil sa litrato nila ni Skusta Clee: 'Naks naman, you and me against the world ang pautot'

Ava Mendez at Skusta Clee

GRABE! Basag na basag ang rapper at songwriter na si Skusta Clee sa mga bashers matapos i-flex ng Vivamax bombshell na si Ava Mendez ang kanilang relasyon.

Iba’t ibang reaksyon ang nabasa namin mula sa mga social media followers ng magdyowa, pero halos karamihan ng nagkomento ay kontra sa kanilang relasyon.

Nag-post kasi si Ava sa Instagram ng sweet photo nila ni Skusta Clee o Daryl Ruiz sa tunay na buhay na may caption na, “Endlessly in love with you.”

Ang pabebeng reaksyon naman ng rapper sa mensahe ng kanyang girlfriend ay, “Eeeeehhhh.”

Maraming IG users ang nagpayo kay Ava na hiwalayan na niya ngayon pa lang si Skusta dahil sigurado raw sila na mararanasan din niya ang sakit na ipinaranas ng rapper sa ex dyowa nitong si Zeinab Harake.

Ilang netizens naman ang humamon kay Ava na kung talagang “endlessly in love” siya kay Skusta Clee ay ipa-tattoo rin niya ang pangalan nito, kagaya ng ginawa ni Aira Mae Lipata, ang babaeng huling na-link sa sikat na rapper.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa litrato nina Ava at Skusta.

“Tawag dito katangahan… nasa huli na pagsisisi mo girl… char.”

“Hindi na ‘ko magtataka kung idi-delete mo rin to soon.”

“Talaga? Pa-tattoo mo nga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ava Mendez (@avamendezofficial)


“Naks naman. You and me against the world ang pautot. Ang ending kaw din mauumay sa drama at ka-toxic’an niyan. Ate, sa bad-boy looking ka lang sana, wag sa literal bad boy.”

“I’m a solid fan of Skusta and I think Skusta deserves this happiness I’m rooting for the both of you!! be happy wag n’yong pakealaman mga sinasabi ng iba you both deserve each other stay strong!!! hoping to see you both on a vlog someday hihintayin naming solid supporters n’yo yon!!! Love you both!!”

“Sinayang mo ang image mo be napakaraming mas ok na guy kesa diyan… Sayang pausbong palang sana ang career mo kaso sinira mo agad dahil sa knya.. Maliban nlang kung yan talaga way mo para sumikat well.”

Isa pang netizen ang nagpaalala kay Ava na kapag nakuha na raw ni Skusta ang kanyang “kuweba” ay iiwan na rin siya nito.

“Pag nagsawa sa p*ke mo yan iiwan ka nyan hahaha,” diretsahang sey ng basher.

Habang isinusulat namin ito ay wala pang reaksiyon ang celebrity couple. Bukas ang BANDERA sa magiging tugon sa magdyowa hinggil dito.

Skusta Clee, Ava Mendez magkasamang nag-celebrate ng Pasko, magdyowa na nga ba?

Vivamax sex siren Ava Mendez walang arte sa hubaran, pangarap maging action star

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vin emosyonal sa bagong vlog dahil kay Ava: Amuyin at panggigilan n’yo lagi ang baby n’yo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending