Vin emosyonal sa bagong vlog dahil kay Ava: Amuyin at panggigilan n'yo lagi ang baby n'yo! | Bandera

Vin emosyonal sa bagong vlog dahil kay Ava: Amuyin at panggigilan n’yo lagi ang baby n’yo!

Ervin Santiago |December 29,2021
facebook
share this

Vin emosyonal sa bagong vlog dahil kay Ava: Amuyin at panggigilan n’yo lagi ang baby n’yo!

Ervin Santiago - December 29, 2021 - 07:21 AM

Vin Abrenica, Sophie Albert at Baby Avianna

MALUHA-LUHA ang aktor at celebrity dad na si Vin Abrenica habang nagkukuwento tungkol sa anak nila ni Sophie Albert na si Avianna.

Ayon kay Vin, nine months old na ngayon ang kanilang first baby na ipinanganak ni Sophie nito lang March, 2021 pero feeling niya ang bilis-bilis ng paglipas ng panahon.

Sa bagong vlog ng showbiz couple sa YouTube, ibinahagi nila ang ilang mga kaganapan sa buhay ni Baby Avianna kabilang na ang pamamasyal nila sa park kamakailan.

Makikita sa video kung gaano ka-hands on daddy si Vin sa anak at kung paano niya ito panggigilan. Kaya nga sabi ng aktor, talagang sinusulit niya ang bawat oras na magkasama sila ni Avianna dahil nga napakabilis nitong lumaki.

“Grabe ‘no? Sobrang bilis! Habang inaayos ko nga itong video na ‘to, I just want to share sobrang bilis ng panahon,” pahayag ni Vin sa bandang ending ng vlog.

“Ngayon naiintindihan ko na. Dati na parang as a new father, noong ipinanganak si Ava, na everybody says na ‘Vin, sulitin mo ‘yan.’ Napakabilis ng panahon,” lahad pa ng tatay ni Avianna na sobrang cute habang nakikipagkulitan sa kanyang tatay.

Sabi pa ng utol ni Aljur Abrenica, dapat daw talagang paglaanan ng oras at atensiyon ang mga anak hangga’t kaya dahil hindi mo namamalayan na lumalaki at nagkakaisip na pala sila.

“Sa lahat ng mga magiging bagong magulang diyan, wala pa naman ako sa posisyon para magsalita nine months pa lang naman si Ava. 

“But yeah, sulitin ninyo. Sobra ninyong sulitin kasi napakabilis ng panahon,” paalala pa niya sa mga first time parents.

Dagdag pa niyang chika, “Amuyin ninyo, panggigilan ninyo ‘yung baby niyo. Ibigay ninyo sa kanila lahat ng time dahil for sure one hundred percent, hindi kayo magsisisi.”

Ayon pa kay Vin, wala na raw siyang mahihiling pa para sa personal niyang buhay dahil super happy at kuntento na siya bilang partner ni Sophie at bilang tatay ni Avianna.

“So far I am living my best life. And yes Ava, daddy is living his best life because of you,” pahayag pa ng aktor.

“We have been have been extra sentimental lately. Remembering how Avianna was such a little fussy baby who never wanted to be put down!

“It all feels like yesterday and we’re so happy that we have all these videos to of her and our journey to look back on. We’re so glad to be sharing our most precious memories with you all!

“Thank you so much for being a part of our little family. From our hearts to yours!” ang caption naman ni Vin sa kanyang Instagram post tungkol sa bago nilang vlog.

Kung matatandaan, nag-post din noon si Vin sa Instagram ng video kung saan nabanggit niya kung gaano siya ka-excited gumising sa bawat araw simula nang dumating sa buhay nila ni Sophie si Ava.

Aniya sa caption ng ibinahagi niyang litrato ng bagets, “Hay my little princess, I hope you see how daddy is giving his all for you. I understand that your attachment to mommy is something I can’t compete with.

“And I am happy that we’re getting better day by day, slowly but surely. I so long for the day when you can finally feel safe enough to find comfort in me too. Until then, daddy will  keep trying.

“We will always make sure to protect all the big and scary things in this world. I love you more than words can say,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Vin Abrenica (@vinabrenica)

Vin, Sophie ipinakilala na sa publiko ang kanilang ‘giant baby’, pinangalanang Avianna Celeste

Pamilya ni Sophie Albert tinamaan din ng COVID-19; tinawag na himala ang nangyari sa ama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending