Nagpasampal-sampal ako sa partner ko pero mas gusto ko pa rin yung normal na pakikipag-sex - Marco Gomez | Bandera

Nagpasampal-sampal ako sa partner ko pero mas gusto ko pa rin yung normal na pakikipag-sex – Marco Gomez

Ervin Santiago |March 19,2023
facebook
share this

Nagpasampal-sampal ako sa partner ko pero mas gusto ko pa rin yung normal na pakikipag-sex – Marco Gomez

Ervin Santiago - March 19, 2023 - 08:22 AM

Nagpasampal-sampal ako sa partner ko pero mas gusto ko pa rin yung normal na pakikipag-sex - Marco Gomez

Marco Gomez, Ali Asistio at Ava Mendez

MAGKANO ang kaya mong ibayad para sa mga makamundong bagay na inaasam mo? Anong kaya mong isugal para sa mga plano at pangarap mo?

Yan ang mga tanong na sasagutin ng  newest sexy-thriller film na “DOMME” na napapanood na ngayon sa Vivamax at pinagbibidahan nina Ava Mendez, Ali Asistio, Mark Anthony Fernandez, at Marco Gomez.

Dito, gagampanan ni Ava ang daring at challenging role na professional dominatrix, isang bayarang babae na trabahong maging dominante sa BDSM activities.

Kilalanin si Cholo (Ali), isang customer service agent na lumipat sa Maynila para magkaroon ng mas magandang oportunidad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marco Gomez (@mr_marcogomez)


Tuwing gabi sa bago niyang condo, makakarinig siya ng mga ingay at sigawan na para bang may nag-aaway sa kalapit nitong unit. Dahil sa pagtataka, magmamanman si Cholo at magtatanong-tanong sa paligid, dito niya malalaman ang sikreto ng kanyang kapitbahay.

Ang ingay na naririnig niya tuwing gabi ay hindi dahil sa may nag-aaway, ingay ito dahil sa extreme pleasure at wild erotic practices na ginagawa ng dominatrix na si Estelle (Ava) sa kapitbahay ni Cholo na si Raymond (Mark Anthony).

Sa pakikialam ni Cholo sa buhay ni Estelle at Raymond, mas makikilala niya kung sino ang mga ito, mapapalapit din siya rito at madadamay pa pagdadaanan at haharapin nilang gulo.

Baka Bet Mo: Ex-PBB Teens housemate Jamilla Obispo sinuwerte sa pagbabalik-showbiz; aprubado ng 2 anak ang paghuhubad

Paano babaguhin ni Estelle at Raymond ang buhay at mga pananaw ni Cholo? O baka naman si Cholo ang maghahatid ng pagbabago sa buhay nilang dalawa?

Natanong si Ali sa zoom mediacon ng “DOMME” kung nakaka-relate na siya sa kanyang role, “Actually, no. Very shy si Cholo kaya malayo sa’kin ang role ko dahil hindi naman ako shy in real life.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ava Mendez (@avamendezofficial)


Nasubukan na ba niya ang S&M sa tunay na buhay? “No, I want making love to be loving and tender. But I don’t judge couples who experiment to make their sexual life more exciting.

“Pero kailangan, mutual decision to spice up their love making, walang pilitan. And sa akin, huwag lang yung threesome, kasi it becomes very complicated,” aniya pa.

Hanggang saan naman ang kaya niyang gawin pagdating sa paghuhubad? “As long as maganda ang role and the story, okay lang naman sa akin.

“Wala akong limitations, lalo kung kasundo ko yung director. But kung mabibigyan ng chance, i want to do better acting roles in more challenging films. Basta pagbubutihin ko at bahala na si Lord,” dagdag pa ni Ali

Inamin naman ni Marco Gomez na nasubukan na niya minsan ang sado-masochisitc acts sa kama, “I did, once nagpasampal-sampal ako sa partner ko and I realized I’m not into it. Mas gusto ko pa rin yung normal, gentle style of making love.”

Rita Daniela ayaw pang ipakilala sa publiko ang tatay ng magiging baby; unang ipinagtapat sa BFF ang pagbubuntis

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz kay Willie: Huwag kang mag-gaslight…sa yaman mong ‘yan at sobrang blessed, hindi ka inaapi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending