Ogie Diaz kay Willie: Huwag kang mag-gaslight…sa yaman mong ‘yan at sobrang blessed, hindi ka inaapi | Bandera

Ogie Diaz kay Willie: Huwag kang mag-gaslight…sa yaman mong ‘yan at sobrang blessed, hindi ka inaapi

Pauline del Rosario |February 12,2023
facebook
share this

Ogie Diaz kay Willie: Huwag kang mag-gaslight…sa yaman mong ‘yan at sobrang blessed, hindi ka inaapi

Pauline del Rosario - February 12, 2023 - 05:54 PM
Ogie Diaz kay Willie: Huwag kang mag-gaslight…sa yaman mong ‘yan at sobrang blessed, hindi ka inaapi

MULING naglabas ng saloobin ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz tungkol sa kontrobersiya sa pagitan nila ng TV host na si Willie Revillame.

Kung maaalala, si Ogie ang isa sa mga pinatamaan kamakailan lang ni Willie at sinumbatan na walang utang na loob.

Sey naman ni Ogie sa inilabas niyang latest YouTube vlog, “Feeling ko kasi wala nang makausap na matinong tao itong si Willie sa paligid niya. I’m sure naman na may matitino, pero baka lang kasi matigas ang ulo ni Willie kaya ang pinakikinggan niya ay ang sarili niya.”

Sa tingin nga daw ni Ogie ay wala nang pinapakinggang magandang komento si Willie at tila naging one-sided na lamang.

Patuloy ng talent manager, “Hindi niya tinitimbang o wine-wage ‘yung mga opinyon ng ibang tao na nakapaligid sa kanya.”

“Dahil alam mo, maraming kaibigan ‘yang si Willie na kaibigan ko rin na ang laging sinasabi, ‘matigas ang ulo ni Willie.’ Sabi sa akin, ‘ang gusto niya, gusto niya’,” chika ni Ogie.

Ani pa ng vlogger, “Kung ito lang ang kaya mong intindihin mula sa opinyon namin, kung ito lang ang kaya mong gawin mula sa opinyon naman edi ‘yan lang ang gawin mo. At the end of the day, si Willie pa rin naman ang nasusunod.”

Bukod diyan ay sinagot din ni Ogie ang isa pang naging isyu ni Willie sa kanya na kung saan ay ipinakita pa mismo ng TV host sa programang “Wowowin.”

Ito ‘yung sinasabing “spliced video” na kinuha sa dating interview ni Willie sa politician na si Harry Roque na tinatalakay ang pagpapasara ng ABS-CBN.

Depensa ni Ogie, “Ito naman sa vlog naman natin, kung napanood niya eh hindi ko alam kung aaminin ni Willie kung napanood niya o baka hindi naman niya napanood kaya nahusgahan niya rin tayo na kami ay nagbabasa ng mga komento ng mga Twitter followers, ng mga nagti-tweet against him at syempre, nakita naman doon. Alam ko naman na tumatanaw na utang na loob si Willie Revillame sa ABS-CBN.”

Paliwanag pa niya, “Pero ang dinidiskusyon kasi doon ay tumawa siya, natuwa siya doon sa naging komento ni Harry Roque. Kung sinasabi niyang ini-splice ‘yan, tumawa pa rin siya bilang reaksyon doon sa pagsara ng ABS-CBN.”

“At noong mga panahon na nangangailangan ng suporta ang ABS-CBN, hindi rin naman masyadong kumibo si Willie for them kasi wala na nga siya doon,” dagdag niya.

“Pangalawa pa, ‘yung sinasabi niyang i-set aside ang politics, hindi mo naman mase-set aside ‘yung politics. May politics at may politics pa rin ‘yan Willie,” aniya.

“[Pangatlo], ‘yung sinasabi mo na ‘i-bash niyo ako nang i-bash, inaapi niyo ako,’ hindi ka inaapi, huwag kang mag-gaslight. Walang umaapi sa’yo,” sey ni Ogie.

Ani pa niya, “Sa yaman mong ‘yan, sa sobrang blessed mo na ‘yan, hindi ka inaapi. ‘Wag mong maramdaman ‘yung hindi naman ginagawa sayo.”

“Hindi ka nila inaapi, nagre-react lang sila sa sinasabi mo. Kung inaapi ka, edi dapat nilalait mula ulo hanggang paa ‘yung pagkatao mo. Hindi dapat ibinabalik kung ano ang nakaraan mo,” saad ni Ogie.

Related chika:

Ina certified hot mama: Sa loob ng 5 taon ang roles ko inaapi, kawawa, zombie pero ngayon iba naman!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie kay John Lloyd: Ang galing mo, fan mo ako…napakabuti mong tao

Alex: ‘Mahirap aminin na I’m a weak person, yung mukha kang matapang sa harap ng mga tao pero ang bilis mong masaktan’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending