Alex: 'Mahirap aminin na I’m a weak person, yung mukha kang matapang sa harap ng mga tao pero ang bilis mong masaktan' | Bandera

Alex: ‘Mahirap aminin na I’m a weak person, yung mukha kang matapang sa harap ng mga tao pero ang bilis mong masaktan’

Ervin Santiago |January 11,2023
facebook
share this

Alex: ‘Mahirap aminin na I’m a weak person, yung mukha kang matapang sa harap ng mga tao pero ang bilis mong masaktan’

Ervin Santiago - January 11, 2023 - 07:39 AM

'Mahirap aminin na I’m a weak person, yung mukha kang matapang sa harap ng mga tao pero ang bilis mong masaktan'

Alex Gonzaga

NAGING emosyonal ang TV host-actress at vlogger na si Alex Gonzaga-Morada nang mapag-usapan ang tungkol sa mga sinasabi sa kanya ng mga tao.

Hindi napigilan ni Alex ang maluha sa latest podcast niya na may titulong “Ano Na Catherine” kung saan tinalakay nga niya ang katanungang “Pagiging Mayabang ba kapag Ikaw ay naging Matapang?”

Diretsahang sinabi ng sisteraka ni Toni Gonzaga na tao lang din naman siya na naaapektuhan at nasasaktan din kapag may mga pangit at kanegahang sinasabi ang mga tao about her.

Pero aniya, kailangan daw niyang ipakita sa publiko na matapang siya at hindi naaapektuhan ng mga pamba-bash at pang-ookray sa kanya.

“Mahirap siyang aminin sa sarili mo na, I’m a weak person. Yung mukha kang matapang sa harap ng maraming tao pero ang bilis mong masaktan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


“Pag may sinabi sa ‘yo or may ginawa sa ‘yo yung isang tao, parang apektado ka pero ayaw mong maging ganoong klaseng tao, ayaw mong masabihang ‘Mahina ‘yan eh,’” pahayag ni Alex.

Nabanggit din ni TV host-comedienne ang nararamdaman niya noon kapag pinagkukumpara sila ng kanyang ateng si Toni, lalo na sa kanilang pamilya.

Dito nga niya inamin na hanggang ngayon ay struggle pa rin para sa kanya ang magpakatotoo — kung paano maipakikitang matapang siya na hindi magiging mayabang ang dating.

Inamin din niya na may pagkakataon noon na hindi na raw siya masaya sa nangyayari sa kanyang showbiz career at feeling niya ay hindi na niya kilala ang sarili.

Kamakailan ay nagpasalamat naman si Alex sa mga achievements at rating ng kanyang podcast.

“Opening my heart and sharing my thoughts to all of you has always been my dream.

“So thank you netizens and podzsters for giving me your time to listen. We live, make mistakes but the best part is we learn together. Love u all. #AnonaCatherine,” aniya.

Willie kay John Lloyd: Ang galing mo, fan mo ako…napakabuti mong tao

Alex Gonzaga dinedma-dedma ng mga photog sa Milan Fashion Week 2022: Please, please! Pansinin n’yo na ‘ko guys!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jomari Yllana may ‘template’ nga ba sa bawat babaeng minamahal, sey ni Cristy: Parang walang sinseridad?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending