Ina certified hot mama: Sa loob ng 5 taon ang roles ko inaapi, kawawa, zombie pero ngayon iba naman! | Bandera

Ina certified hot mama: Sa loob ng 5 taon ang roles ko inaapi, kawawa, zombie pero ngayon iba naman!

Ervin Santiago |March 18,2021
facebook
share this

Ina certified hot mama: Sa loob ng 5 taon ang roles ko inaapi, kawawa, zombie pero ngayon iba naman!

Ervin Santiago - March 18, 2021 - 01:21 PM

“FOR the past five years yung mga roles ko inaapi, kawawa, zombie pero ngayon nakaka-flatter na may iba namang offer.”

Ang tinutukoy ng hot mama na si Ina Raymundo ay ang bago niyang project sa ABS-CBN, ang latest iWant digital series na “Ampalaya Chronicles: Me & Mrs. Cruz.”

Dito makakatambal naman niya ang Kapamilya young actor na si Paulo Angeles and obviously isa na naman itong May-December affair na may kakaibang twist.

Kuwento ni Ina, last year pa ito in-offer sa kanya ngunit nagkaroon ng ilang problema kaya hindi na siya natuloy. Pero aniya, talagang para siguro sa kanya ang nasabing project.

“Nu’ng nalaman ko na three days yung lock-in tinanggap ko na. Kasi hindi ko kaya yung longer pa. Mahirap for me. Last year pa ito in-offer sa akin bago pa magka-pandemic and umoo na ako nu’ng time na yun.

“Hanggang sa nagkaroon na ng pandemic, nag-lockdown na, tapos dapat tuloy na nu’ng November pero din kasi hindi pa ako ready kasi magpapasko na nu’n, eh. Mahirap mawala,” paliwanag ng aktres.

Kuwento pa ni Ina, “So, nu’ng binigay nila yung dates na February sabi ko let’s do it, I want to do it. I’m very thankful na nagintay sila sa akin.

“Lagi kong sinasabi sa Firestarters (Productions) na maraming salamat hinintay niyo ako kasi medyo naghintay sila talaga I’m so sorry. Dumating sila sa point na naghanap na sila ng ibang Mrs. Cruz.

“Pero kapag talagang uukol, bubukol eh. So, natuloy din at masayang masaya kami na natuloy,” sabi pa ng aktres sa ginanap na “Me & Mrs. Cruz” mediacon kahapon.

Sa kuwento nito, gagampanan niya ang karakter ni Eve Cruz, isang babaeng maa-attract sa delivery boy na si Caloy (Paulo Angeles) na pwede na niyang maging anak sa edad nito.

“My character, she’s having a tough time moving on and yung best friend niya is trying to set her up with someone else because that’s the best way to cure a broken heart is to meet someone else.

“Sa set, masayang-masaya kami sa taping. Para lang kaming naglalaro. Kahit na sa look test pa lang. At sa photo shoot naman, hay naku, ang sarap makasama ang Firestarters. Very hip sila.

“Talagang may natural high ako. Wala akong tulog nu’ng time na yun. Three hours lang yata yung tulog ko. Imbes na itulog ko na lang. Ang sarap kasi makipagkuwentuhan kasi nung lockdown nasa house lang ako.

“Eh, siyempre mga kausap ko mga anak ko, mga bata, di ba? So na-miss ko makipagkuwentuhan sa mga showbiz people, sa mga co-actors ko. Ang sarap. Kaya yun ang na-miss ko, yung mga ganun na behind the scenes,” tuluy-tuloy na kuwento ni Ina.

Samantala, natutuwa naman si Ina na kahit may asawa na siya at apat na anak ay nabibigyan pa rin siya ng magaganda at challenging role.

“Twenty-six years later may mga offers na ganito and I don’t mind accepting it because it is fun. Siguro for the past five years yung mga roles ko inaapi, kawawa, zombie.

“So, ngayon napa-flatter ako na may ganitong offer. I’m open to it. May istorya, may challenge. Kumbaga may layer na of pain and maturity, lahat na yun, hugot lahat-lahat.

“For me that’s a great combination na yung character ko exudes sensuality and at the same time may layer of maturity. For me that’s so ideal,” pahayag pa ng isa sa mga hot mama ng Philippine showbiz.

Pero inamin din ni Ina na sa edad niyang 45, nagdalawang-isip din siyang tanggapin ang role bilang love interest ni Paulo sa bagong romance series ng iWant.

“Tuwing napapanood ko talaga ang sarili ko, nagki-cringe ako, I don’t know why. Since Paulo is almost half my age, I’m always worried na baka mas magmukha akong nanay niya kaysa as a love interest.

“So that’s also a concern for me. But when I saw it naman, okay naman. But siyempre since I didn’t act for so long, one year, medyo nahihiya ako. But it’s a good story. I’m just being hard on myself. Pero maganda yung story and magaling si Paulo rito,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Me And Mrs. Cruz” sa iWant TFC Original Anthology Series sa March 26, kung saan makakasama rin sina Kristof Garcia, Nicki Morena at iba pa mula sa direksyon ni Real Florido.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending